Tuesday, January 5, 2010

Ano daw?

Maximized!

Naranasan nyo na ba un ma-maximized ng amo ang iyong angking galing, lakas at pambihirang talino sa trabaho? Ang hirap kaya lalo na kung nasa ibang bayan ka? Wala ka naman choice kundimagpaka-plastic gawin ang isang bagay na kunyari ay okei lang sayo pero atthe back of your mind eh buwisit na buwisit kang gawin yun. Pero okei na lang din, kasi maswerte pa rin tayo dahil meron tayong among nanbu-buwisit sa atin kesa naman mabuwisit tayo sa loob ng bahay dahil walang trabaho.


Balance of Nature.

Bakit nga ba meron taong saksakan ng ganda at ang iba naman eh nuknukan ng pangit? Balance of nature bang matatawag yun? Kung walang pangit madi-differentiatemo ba ang kagandahan sa kapangitan? Siguro hindi di ba? Woooops! Don't get me wrong, I'm referring sa Ugali ng tao hindi sa mukha! :)


Sick and Tired!

Yep! Im sick and tired of watching telenobela ng GMA 7 at Channel 2. Wala na bang iba?Ilang Darna na ang naging series sa GMA 7 Eh halos pare-pareho naman ang istorya. Lovers in Paris..Naman! Alam na natin ang istorya nun ah at need ba talagang ulit-ulitin angmga ganyan telenobela. Wala na bang something Unique sa panlasa ng noypi? Kaya minsanmas maganda pang manuod ng foreign tv series eh.

Social Networking

Dati-rati Slambook lang ang uso. Pero ngaun...Tadah! Friendster at Facebook na.Ang sosyal naman natin pero okei di ba? Nakikita natin ang mga long lost frendship natin atpati na rin mga kamag-anakan natin sa malalayong lugar, at mga minahal natin dati.Actually, I found one hehehe...Haissst! ano pa kaya ang susunod na mauuso sa mga susunodna taon? Alam ko na, pede nang makipag-connect ang mga utaw sa earth at sa mga martians of planet mars!

Wait lang!

Meron palang napansin aking Spy Bubwit sa mga user ng Facebook. Meron daw ibang user ng FB ay posts ng posts ng kung ano-anongkaganapan sa bawat segundo/minuto/oras/araw/linggo/buwan/taon ng buhay nya. Syempre daw, once na nag post ang nasabing user eh nag expect sya na meron mag re-react at dahil dun super duper antabay si user fb sa mgamag re-react. Excited at halos bawat minuto panay daw ang refresh sa browser hoping meron nag violent reactionsa posting. And then, pagkatapos nun meron nang nag react. At ito naman daw si user FB ay nag inarte ng bonggang bonggadahil namimili lang sya kung sino ang sasagutin nya sa mga nag react "DEADMA TO DA MAX". Sana man lang daw magkaroon naman ng puso para magpasalamat sa mga taong nag react sa posting mo kahit ayaw mo sya mag comment sa FB posting mo.Kasi kahit baduy at korni ang pinaglalagay mo sa FB eh meron taong naglakas loob na pansinin ka kahit alam na ng 268 frendship lists mo na likas ka talagang baduy at korni hehehehe..

Wala lang..meron lang kasi nagkwento sa akin nyan chizmax tungkol sa FB na yan ahahaha!Bato-bato sa langit tamaan beh buti nga sayo! Balik ulit sa malikot na isipan

DVD Marathon

Last week until today eh nag dedebede marathon ako ng mga foreign/tagalog movies na napalampas kong panuorin ng mganagdaan months. Ahmmmm..sige na nga aminin ko na, late ang middle east sa uso kaya yun mga movies sa pinas after 3 months pa ata bagonamin mapanuod sa sinehan at dahil buziness din ako sa akin work ayun debede marathon ako..kaines nga eh! Bakit ba ganito itong bansang ito.

Getting to know Egypt

Nag open ng bagong business si Bossing ko ng Medical clinic at ang head Doctor nya ay isang Egyptian and as usual ako pa rinang kanyang Accountant sa nasabing business..(Maximized talaga!)..To be honest wala akong care talaga sa Egypt hehehehe.. I know kilala yun bansa nila dahil sa pyramid ~~ period.. habang nakakakwentuhanko si OkidokiDoc eh marami palang hiwaga ang kanilang bansa dahil dun gusto kong pumunta ng Egypt! Ang tanong, kelan naman kaya?Pero bago ang Egypt eh Hong Kong muna. <----- Huwaaatttt!!!!


SheeSha!


Mahilig ang mga arabo dito. Nag try ako minsan at lintek..nakakahilo naman! Sabi ni bossing pag nag Sheesha daw eh halos 5x ng paghit-hit ng sigarilyo. (kaya pala ako nahilo nun!)


The End.


Asa ka pa na meron pa akong kwento eh The End na nga! Nawili ka ata..kaw naman kaya ang magkwento di un basa ka lang basa! :)

7 comments:

Jepoy said...

Oist Mr Accountant penge naman ng pera. Kumikitang kabuhayan na ang business ng boss mo. Baka mag tatayo sila sa Pinas pag pinadala ka libre ang lahat sumusweldo ka na ng Dolyar at nasa pinas ka pa. Ang saya!

SLY said...

nyahaha! sapul na sapol ang ending. sige na nga makapag-compose na ng panibagong blog entry.

Charltoninho said...

bukod sa pyramids, maraming pwedeng pasyalan sa egypt. punta ka ng luxor, alexandria at aswan. panalo dun!

pero gaya rin ng pilipinas, hindi lahat ng mga tao ok kaya pagpasensiyahan na lang ang mga tao dun. masaya naman kahit papano.

mommy ek said...

di ko po alm yung sheesha..ano un?

Lord CM said...

Dun na lang ako sa pinakahuli magcomment, kasi may naisip na akong comment sa mga nauna, nakalimutan ko pa lolzz

D2 naman nganga ang paborito ng mga local, beetlenut sa english, para kang naka-maryjane pag nguya ka ng nganga :D ... di ko pa nasubukan, at ayaw kong subukan :D

Ruph said...

ano daw? ano nga ba daw? hehe

Sheesha - anong flavor ba ang natikman mo?Nasubukan mo naba ang bagoong flavor?hehe

After facebook baka ang susunod bankbook na..haha korni pa rin no?I must be eating too much corn..

By the way, isa lang naman sana ang gusto kong sabin..The End!

Kablogie said...

@Jepoy..Wehehehe...Wish ko lang dolyar talaga kaso riyals kami eh.

@SLy.. Oo now na! para magkapag comment din ako ng bongga sa blog mo!

@Char..di halata na napasyalan mo na ang Egypt. Pag ako nagpunta tourist guide kita ha!

@Mommy EK..Parang yosi din sya pero in liquid form sya na meron flavoring!

@Lord CM..di ba ang nganga eh pang matanda lang un sa atin?

@Ruph..na try ko un chocolate flavor...naghahanap nga ako ng ampalaya supreme flavoer eh..lols

Blog Widget by LinkWithin