Wushu! Ang tagal tagal ko nawala pero heto pilit pa rin nakikipag-sapalaran sa hamon ng buhay! Wehehehe... Grabe ka-bz ko mula Nov until this month of December kulang na lang matulog na ako sa opis eh! Ang dami ko na napa-lagpas na babasahin sa mundo ng blogista kong prendship. Sensya na sa mga prendship ko sa blog mejo busy-busy-han lang lolo nyo sa opis werk! Pero kahit busy ako pa-sometimes-sometimes eh nasulyap ako sa mga postings nyo at syempre sa pes book ko din slight posting posting at twitter na halos makalimutan ko na un passwerd..haaiiisst! life. Sana di ko rin makalimutan kung anong pangalan ko, saan ako nakatira at ano ang perpos ko sa mundong ibabaw! har! har! har! Sa mga nag burpday ng Nov at humirit ng pix greetings ang masasabi ko lang eh "I am sorry!" masyadong pogi lang ako para di ko matupdan ang inyong kahilingan dahil sa sandamukal na ka-trabahuhan sa gitnang silangan. Di bale next year pramis gagawa na talaga ako ng pix greetings nyo one month ahead pa (gusto nyo now na gawa na ako eh!) hehehehe...
Habang ako ay super duper busy to the 10th power eh super duper din dumadaan ang mga araw na nagbabadya na patapos na ang taong 2009. Meaning, oras na ulet para sa new years resolution natin lahat. Yun mga maling gawain natin itong taon na ito pede natin gawin tama sa darating na taon 2010 or kung ano man ang gusto nyo mangyari sa buhay sa susunod na taon eh bahala ka yo mag plano. Basta ito ang tatandaan nyo lagi na "mahalaga sa lahat eh Importante!" (Toink!)
Heto ang aking mga new years resolution (1280x800 pixel) by next year.
1. Iiwasan ko na magpa-pogi next year. Ang hirap pala maging pogi. (Akala ko madali ang maging pogi..hindi pala!..haiiistt!)
2. Pangangalagaan ko na aking kalusugan. Lately kasi mejo tumataba na ako.(di ko sinabi kagaya ni
Jepoy ha)..dahil dun ay kakaririn ko na ang pagbubuhat ng barbel at trailer truck as my exercise.
3. Di na ako manunuod ng mga bastos na debede..(isang beses na lang sa loob ng isang linggo. Wish me luck!).
4. Di na ako bibili ng mga hi-tetch na gadget. (Mag iimbento na lang ako ng sa akin at kakalabanin ko ang epol brand..gudlak di ba?)
5. Matututo na ako magtipid. Bibilhin ko lang kung ano ang needs ko sa buhay like, ferrari car, mansyon haus at vertu phone lang! (simpleng buhay na lang ako pramis!) at madami pang iba.
The End.
(P.S : Wag na you asa pa na maganda ang ending ng posting ko ngaun..di ba nga sabi ko kanina busy ako!..)
Sana gawa din kayo ng New Years reso nyo next year. Pramis babasahin ko. :D