Sunday, November 22, 2009

Happy Anniversary!

EMG! Muntik ko na makalimutan na 1 year na pala ang aking *kablogie* itong araw na ito..Yehey!!! Salamat sa mga bagong friendship ko na nakikikulitan sa aking blog! Thenchu very much kasi kahit papaano malaki ang naitulong nyo sa akin para maibsan ang kalungkutan sa bansang silangan! Haylabyu All! Xensya muna mga frendship kindah busy coz I need to meet sales target before end of this year! Salamat sa mga matyagang bumibisita sa akin Blog. Babawi ako sa inyo, pramis! :D

Monday, November 2, 2009

Ahahaha...

Si spiderman parang wala lang!...Parang nagtae lang sya sa pix nya! ^_^

Sunday, November 1, 2009

Tinik


Bago ang lahat nais ko muna batiin kayo ng happy moo-moo's day! Nawa'y di kayo dalawin ng mga moo-moo sa pag tulog nyo!

Sumulat ako ngaun dahil nais kong ibahagi ang kakaibang karanasan ko kahapon lamang. Nais ko sana itong pamagatan ang aking liham na "Tinik sa lalamunan!" . Opo, tama ang nabasa nyo.

Kasi kahapon kumain ako ng isdang pinirito (Fish Biriyani). Di ko alam ang tawag sa isda na yun na sobrang yummy kainin pero sobrang tinik naman. Dahil sa tindi ng gutom ko ng tanghali eh hindi ko na alintana ang tinik ng isda na akin kinain. Bigla na lamang may masakit sa aking lalamunan sa tuwing ako ay lulunok. Nuon una inisip ko lang na baka meron akong nalunok na kutsara or sandok pero hindi talaga eh..imposible magkasya sila sa lalamunan ko! Hanggang sa napag tanto ko na talagang tinik talaga sya ng fish..PRAMIS!. Hindi ako mapakali dahil parang meron bulbol thumbtax na nakabara sa akin lalamunan. Masakit at nakakairita pag nalunok ka ng laway.

Bigla ko na lang naalala ang sinabi sa akin ng tatay ko nuon maliit pa ako na minsan din na natinik ang aking lalamunan. Lunukin ko daw ang kanin ng buo sabay inom ng tubig dahil sasama daw ang tinik sa kanin at tubig. Ginawa ko ulet sya kahapon pero wa-epek! Halos maubos ko na nga yun isang kalderong kanin..makaraan ang ilang oras na di mapakali, binuksan ko ang aking laptop ang nag log in sa YM..eksakto naka-online si Jovy mafrend, tapos naikwento ko naman sa kanya na nakalunok ako ng tinik at ang payo naman nya eh kumain daw ako ng saging sabay inom ng tubig. Dahil sa naiirita pa rin ako, dali-dali akong pumunta sa bangali grocery store para bumili ng isang damakmak ng saging.

Takte talaga, halos isang piling na ng saging ang nilunok ko nandun pa rin ang tinik sa lalamunan ko. Binalikan ko ulet ang aking friendship na si Jovy at kinuwento ko na wa-epek pa rin. Heto ang kanyang ultimate advice na sobrang epektib daw..Sundutin ko na daw ng daliri ko ang lalamunan ko para makuha ang tinik sa lalamunan ko. Gagawin ko na sana pero bigla kong naalala na habang kausap ko sya eh nagkakamot ako ng betlog ko.

Nasan naman ang delikadesa ng daliri ko kung ipapasok ko sya sa lalamunan ko di ba? So sa madaling salita, dahil hopeless case na ako na maalis ang tinik sa aking lalamunan..Pikit mata kong sinundot ang lalamunan ko para maalis ang tinik! Pero syempre nag hugas muna ako ng kamay noh..hehehehehe.. Sa wakas, makaaraan ang ilang minuto ang masuka-suka at nangingilid na luha naalis ko rin ang tinik sa akin lalamunan. What a life..biruin nyo ilang oras din ako di mapakali dahil sa lintek na tinik na yun ah! Totoo pa lang ang kasabihan na "para kang nabunutan ng tinik sa dibdib" teka bakit sa dibdib? di ba sa lalamunan yun? Bahala na nga kayo ang gulo nyo eh!
Blog Widget by LinkWithin