Monday, October 26, 2009

Happy Beerday to Me!

Happy Birthday to me! Yehey!!!

Haiisst..dagdagan na naman ang edad ko ngaun taon na ito!

Sinadya ko muna di mag post sa blog ko ng ilang araw para ma-miss nyo ko hehehehehe...aktuwali mejo nalibang lang ako kakapanuod ng PBB Double up (live stream sa internet) kaya instead na mag post ako manuod na lang muna. Syempre nandun yun crush na crush ko na si Rica Cathy, Kathleen at Princess.. (type ko silang anakan ahahaha..). Di rin mawawala ang mga Bella Flores sa bahay ni Kuya gaya nina Yuring Duling, Yhel na tsismosa at Mariel na laging nagbubunot ng buhok sa kili-kili ahahaha..

Since B-day ko sa Oct 27.. di ko kayo hihingian ng fektyur greetings na gaya na hiniling ni Jepoy simpleng pagbati lang okei na sa akin hehehehe you know naman na dehins naman ako te-maarts at inggiters ahahah..*Peace Jepoy!*...Sapat na sa akin yun padalhan nyo ako ng donation sa bank account ko na minimum na P 1,000.oo masaya na ako nun. Pramis! pambili ko lang ng maliit na luho na kagaya ng Black Berry na celfone at Apple na laptop na meron free ipod yun lang. Simple lang di ba? *\^_^/*

Nwei, since nakalimot ako ng ilang araw sa aking blog na walang kakwenta-kwenta at walang sustansyang kapupulutan ng aral, Heto ako nagbabalik for the second time around para guluhin ko ang aking mga blog friends. *Swerte nyo dahil ilang araw din di ko ginulo buhay nyo harharharhar...*
Lapit na pasko! Lapit na rin ako mag vaciones engrandes sa aking inang mahal. *Excited* to the max ako kasi after 2 years straight here Qatar ako'y babalik na sa perlas na sinilanganan ko. Pero ang importante sa akin ngayon eh naipanalo ko sa boss ko na after my vacation eh yearly na ako uuwi at his own expense pa. Clap! Clap! Clap! Aba! mahirap ata na mawala ng 2 years sa family, relatives and friends noh. Ang lungkot kaya nun! Sya kaya mag work sa pinas ng ganun katagal baka mapraning sya.
Teka, bago ko pala tapusin ito.."The Pope!" di ko pa rin nakakalimutan yun pledge ko sa PEBA baka end of this month na lang ha. Kindah broke me this week! hehehehe..(inshallah maalala ko!)

Monday, October 12, 2009

MRI

Got this from Pam Billones..Just want to share with you guys...This is funny! hahaha..


Thursday, October 8, 2009

Nagdaan araw


"Ako ay nagbalik

sa init ng iyong yakap

Parang ibon sabik

sa isang pu.."


Stop the music!


Yeah nagbabalik ako sa mundo ng blog makaraan ang ilang araw ng pagdaramdam sa mga nasalanta ni Ondoy heto ako basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan!

Stop the music again!

Pasensya na sa mga blogmates ko na di ko nabibisita ang kanilang latest topics sa mga nagdaan araw eh busy lang ako sa akin super duper work-a-holic kuno.

Di ko pa rin nalilimutan yun pangako ko na picture greeting sa kanya (",) atsaka sa video na ask ni PEBA. Aktuwali lagi ako binabangungut sa munting kahilingan ng yan parang nakaka kunsensya ba? hehehe...

Saan ba ako naging busy?

Una, magpapasko na at natural mente kaliwa't kanan pinoy ang sabik na sabik na magpadala ng bagahe sa pinas para sa pasko. Pangalawa, meron pa kaming promo na di ko suka akalain na magiging patok pala sa masa! (malay ko ba eh trial and error lang yun!).

Pangatlo, ang aking mahiwagang laptop eh fully loaded na pala ng virus. Bukod sa bumagal ang akin laptop ang dami pang nag pop-up na kung ano ano patalastas at ang ending "Format ang HDD".

Since wala na akong choice at need na talaga i-format nag isip ako kung anong OS ang akin gagamitin kase sawa na ako sa Win XP ni Manong Bill Gates. Bago ko i-format nag consult muna ako kay Ginoong Googles kung ano na ba ang latest OS ni Manong Bill Gates. Kakahanap ng kung ano ang maganda naispatan ko ang Win XP na Black Edition. Ito pala eh pirated edition ng isang programmer na kinustomize na naayon sa kanyang design na madami daw dagdag na kung ano kaeklatan. Diba Sushal.

Excited ako sa version na ito kaya dali-dali kong dinownload sa limewire. Makaraan ang apat na oras na paghihintay sa kapana-panabik na OS..Presto! meron na akong copy at ready to install na. Syempre back-up ko muna ang important files like photos, documents, mp3's, softwares at pinaka-mahalaga sa lahat ay ang bomba na panuorin..^_^.

Habang nag-iinstall ako ay nakatingin sa kawalan nag iisip kung bakit si tita glow ay pandak eh matangkad naman ang tatay nya nuon. Siguro maaga lang inawat ng nanay nya sa dede kaya hindi sapat ang sustansya sa katawan at ganun na lang ang kanya taas...nwei...

Heto na. Naka-install na.
Enjoy sa new look ng theme ng XP.
Pero...bakit ganun?

Walang paint brush nakalimitan ginagamit ko sa mga website na ayaw magpa copy ng pix? Hinde! Ito ay isang kahibangan!!! I strongly protest!..

Di lang yun ang aking audio hindi nag work kahit meron akong CD driver. Paano ko madidinig ang mga O yeah! O yeah! sa bomba na panuorin. Aba! Anak ng tinapa talaga. Akala ko ba maraming dagdag na features eh mas marami pala ang di supported! Grrr!....Bad Trip mode.

Ok payn! para matapos ang lahat. Delete again at balik na lang sa dating OS na ginamit ko. Hmp! kaines ubos oras lang. Di sana nakapag blog pa ako ng ilang araw eh! Masyado kasi akong ambisyoso hahaha...

"Teka, maiba tayo. Bakit sa Santino na telenobela, ang boses ni Daddy Jesus eh parang si Big Brother!"..

Thursday, October 1, 2009

Sino Sya - Part 1

Hulaan mo kung sino sya?


Clue # 1 : Nag suot ng tang-ga sa TV noon.
Clue # 2 : Laging may hawak na kumot sa kamay. ( Jowk lang!)
Clue # 3 : May anak na kasing gwapo ko. (Totoo yan!)




Sirit na ba? [ click me ]
Blog Widget by LinkWithin