Yehey! Atleast aminado si Mang Donald's na hirap sya talunin si Bubuyog sa pinas!
Wednesday, September 30, 2009
The Return of the Come Back! Wednesday, September 30, 2009
The end is near? Wednesday, September 30, 2009
Heavy rains that causes massive floods in the Philippines last September 26.
Tsunami in Samoa that feared 100 dead in Pacific Islands. September 30. read more
Earthquake in Indonesia Jakarta with 7.6 magnitude..read more
Ketsana (Ondoy) kills atleast 41 people in Vietnam.
Another typhoon "Pepeng" Just entered the Philippine around 2pm. read more
So scary! The end is near na ba?
Monday, September 28, 2009
Sad but true... Monday, September 28, 2009
Imelda goes to Singapore...
Saturday, September 26, 2009
Ondoy Saturday, September 26, 2009
Sobrang nalungkot ako sa nangyari sa pinas dahil sa bagyong Ondoy! Pangalan palang ng bagyo mukha talagang walang gagawin mabuti sa pinas. Habang nanunuod ako ng ANC news sa TV (syempre alangan naman sa radyo ako nanunuod) pinapakita nila ang ibat-ibang lugar sa metro-manila na apekted ng baha. Meron naglilimas ng bahay, meron naglalakad sa baha, habang ang ibang sasakyan naman tumirik na sa baha. Pasalamat na lang ako kay Daddy Jesus dahil ang bahay namin eh mataas at meron pa kaming 3rd floor at rooftop na kung sakali na tuloy-tuloy pa rin ang pag ulan meron pang tatakbuhan ang aking family. Pero ano itong nakita ko sa tv at laking gulat ko mga bro / sis ng makita ko sa news itong
aking pinagpapantasyahan na si Christine Reyes ay nahingi ng tulong sa kadahilanan lubog na ang kanyang haybol due to extreme floods sa lugar nila..(sana nandun ako sa tabi nya para na rescue ko sya!) Well, para kasi sa akin eh unusual yun ganun balita biruin mo isang sexy, magandang artista eh di rin pala excuse sa kalikasan. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na ang lahat pala ng bagay sa mundo kugn anong meron ka man ay mawawalang saysay kung kalikasan ang sumisingil! Like her, kahit alam natin na marami na sya pera, influences sa news and entertainment industries, fans at kung sino-sino pa eh hindi rin nabigyan ng action ang kanyang panawagan. Naawa tuloy ako sa kanya dahil nagmukha syang basang sisiw sa bubong ng bahay nila. (sana ako na lang si Aquaman para you know I can save her!) Pero ganun pa man di pa rin mawawala ang fantasy ko sa kanya ahahaha.Seryoso ulet tayo. Kahit nandito ako sa Qatar di rin ako mapakali sa kwarto ko na saksakan ng lamig dahil todo ang aircon. Di ako mapakali syempre kasi kahit kasagsagan ng init dito qatar ang isip ko naman eh parang binabaha sa pag aalala sa aking mga mahal sa buhay kung sila ba ay apekted na rin baha kagaya ng napapanuod ko sa TV. Nakailan bili na rin ako ng prepaid card ng celfon ko kaka-long distance just to check them from time to time kung ano na ang development. Ang hirap din pala pag malayo ka sa family mo at meron ganun pangyayari...wala ka ng magagawa kundi ipagdasal na lang sa Dyos ang lahat.
Sigurado ako sa pag alis ng bagyong Ondoy matinding bakas ng pahirap sa mga pilipino ang iiwanan nito. Lubog na ang ekonimiya mas lalo pang lulubog dahil sa paglubog ng kamaynilaan dulot nito. Malaking budget ang ilalaan ng gobyerno para maibalik sa normal ang lahat. :(
Thursday, September 24, 2009
Kalokohan Thursday, September 24, 2009
Tuesday, September 22, 2009
Ayos! Tuesday, September 22, 2009

Friday, September 18, 2009
We've got it all for you! Friday, September 18, 2009
kasama na din yun kung ano ang swak sa budget nila, mas matibay na brand at marami pang iba..
Mabuti na yun meron tayo pag kukumparahan para alam natin kung saan tayo mas makakatipid.
Halimbawa..ang peymus na LCD TV na 32 inches na halos lahat ng OFW eh gustong gusto makabili nito at todo ang pagtitipid masungkit lang sa deparment store ang pinapangarap na TV.
Kung dito sa Qatar ang halaga ng isang TV na Samsung 32 inches LCD eh Qr 1499 riyals plus cost ng pagpapadala ng door to door sa pinas ay Qr 550 riyals at syempre requirement ng cargo company na i-crate ang LCD para ma-proteksyunan ang TV dahil prone sya sa damage sa loob ng container na ang cost ay nagkakahalaga ng Qr 300 labor and materials.
Monday, September 14, 2009
The passenger Monday, September 14, 2009
Wala pang 35mins ang tinatakbo ng bus meron naman sumuka (pasintabi sa nagchichicha jan!) na indiano! Hanaktalaga ng putakteng gala sa mendiola! Kapag mamalasin ka talaga sagad to the bones naman eh! Bukod sa napaka
(Kili-kili + hininga) - Timi Aja Bholi) x sinukang biryani to the 10th power = WTF!
Naalala ko tuloy nun nasa pinas pa ako, pag uuwi na ako mula opis sa pasig to house eh nasakay ako ng bus. Iba't-ibang eksena din ang natutunghayan ko sa tuwing nasakay ako ng bus. Kapag bagong sakay ako ng bus atdi ko napansin ang hitsura at damit ng kunduktor biglang may lalapit sa akin na lalaki at sabay tatanungin akong "Ilan?" ..syempre bilang isang ogag na kagaya ko eh sasagot ako ng ISA lang po! Sabay yuyuko naman ang lalaki na nagtanong para kunin ang straw sabay butas sa ZESTO! ..BOLLSYET! Ang hinayupak nagtitinda lang pala ng zesto akala ko kunduktor na nagtatanong kung lang akong sumakay! Pakshet di ba? I love the philippines! But wait! coz a lot more story to tell pa sa bus.
Meron takatak boys na ang drama eh garilyo storck ang iikot sa loob ng bus at pagdating sa Boni sabay manghahablot ng celfon ng nakasakay na pasahero! Ang sipag nya noh? Dalawa work nya..takatak boys at the same time hablot celfon! Hirap kaya ng dalawa ang work..
Idagdag ko na rin itong eksena sa bus yun biglang may tatayo na babae slash lalake na mangagaral ng salita ni Daddy Jesus, minsan nga eh hindi magkaintindihan yun kunduktor at pasahero dahil sa lakas ng boses ng nangangaral kaya ang ginawa ng kunduktor eh sinigawan yun nangangaral...Ang bait ng mamang kunduktor noh?! Nasan na kaya sya ngaun? Baka meron na syang tonsilitis sa pagsigaw nya sa nangangaral! ^_^.
Haayy buhay passenger! Para kang nanonuod ng sine..Meron action, drama at komedi!...Masaya na mahirap maging pasahero lalo na kung itong mga tao nabanggit ko ang makakasakay mo..wehehehehe...
Kayo ano ang inyong WTF moments pag nagco-commute kayo? Share naman jan!
Saturday, September 12, 2009
The power of Shakehands! Saturday, September 12, 2009

Customer: Tok! Tok! Kabayan? May tao ba dito?
Ako: Opo meron nandito lang po ako sa book shelves may hinahanap lang po! Ano po maipaglilingkod sa inyo kabayan? (nagmamadaling ayusin ang sarili habang naghahanap ng alcohol para you know!..kaso alat ubos na alcohol..patay!)
Customer: Eh nasan ka ba? Magtatanong lang ako sa cargo nyo!
Ako: (Ta dah! nagpakita na ako sa kanya!) Sige po ano yun tanong nyo?
(Pakshet! Inaabot ang kamay sa akin para mag shakehands kami!)
Customer: Kabayan, nabasa ko ang Ads nyo sa dyaryo totoo bang meron kayo promo?
(O shit na malagkit! ang kulit gusto talagang mag-shakehands kami! Anong gagawin ko? Aabutin ko ba o hindi? ..Ipaamoy ko na lang kaya ang kamay ko sa kanya instead na shakehands..Syet!..nakakalito! I have no choice kundi ang....)
Ako: Opo totoo po yan napanuod nyo sa dyaryo este nabasa nyo sa dyaryo at Blah! Blah! Blah!
(makaraan ang ilang minutong balitaktakan, talsikan ng laway at kamayan walang humpay!)
Customer: Sige kabayan, antayin ko yun driver nyo pumunta sa amin para kunin ang bagahe ko ha! Di nga nagkamali yun sinabi na kasambahay ko na maganda at maayos ang serbisyo nyo!
Ako: (Talaga! Owss! Subukan mo kaya amuyin ang kamay mo baka isumpa mo ako! ^_^) Ay opo...totoo po yan! Serbisyong garantisado po yan kabayan! Sige po, Ingat po kayo!
Moral Lesson: Kaya sa mga valued readers ko..mas maganda wag na lang kayo makipag shakehands sa mga taong kakausapin nyo..tama na yun beso-beso or group hugs na lang bilang pagbati di ba?
Ok payn! The end na istori ko por today!
Wednesday, September 9, 2009
Abroad Wednesday, September 09, 2009
Akala ko kwentong barbero lang lahat ng ito para lang maipagmalaki nila ang hirap ng pagtatrabaho sa ibang bansa hanggang sa mapadpad ako sa dito sa bansang Qatar. Totoo pala lahat ng istorya na naririnig ko sa mga taong nakasalamuha ko at hindi kathang isip lang.
Iba't-ibang kwento, iba't-ibang pananaw sa buhay, at layunin kung bakit nga sila nag abroad. Kabayan, masasabi ko na maswerte ako sa napasukan kong trabaho mula sa isang cargo company papuntang pinas dahil bukod sa maganda ang benipisyo, meron pa akong pagkakataon na makasalumuha ang mga kapwa ko pilipino sa Qatar. Isang malaking karangalan ang pagsilbihan ko ang mga kapwa ko pilipino lalo ng kung makikitaan mo sila ng may ngiti sa labi sa tuwing sila ay nagpapadala sa aming kumpanya na ang hirap sabihin ay "Pinagkakatiwala ko sayo ang bagahe na pinaghirapan kong ipunin sa mahabang panahon, nawa'y maipadala mo ng matiwasay sa mga mahal ko sa buhay!" .. Ang sarap di ba? Nakaka-alis homesick ang ngiti ni kabayan!
Madalas sa mga customer namin sa opisina marami kaming nakukuhang karanasan ng ating kababayan. May masayang boses ni kabayan na mistulang nanalo ng lotto, may malambing na tinig ni ate dahil sa biyayang nakuha mula sa mabait na amo, at meron din naman nananaghoy ng katarungan sa sinapit sa malupit na amo..
Mga halimbawa na eksena sa bawat araw na nagdadaan...
Kabayan 1: May isang dating customer namin ang tumawag sa telepono na nagmamakaawa na tulungan namin sya makatakas sa amo nya dahil sa pagmamaltrato ng amo nya. Isang iyak na mistulang batang naglulupasay ang aming natanggap na tawag para saklolohan sya dahil bukod sa ilang buwan na hindi sya pinapasahod halos parang daw sya isang aso kung sya pakainin ng mga tira-tirang pagkain.
Kabayan 2: May isang customer namin ang tumawag sa aming opisina ang nagpa-schedule ng pick up ng bagahe nila para ipadala sa pinas, ang sistema ilalagay nila sa black plastic bag ang kanilang grocery items at itatabi sa basurahan na kunyari ay basura na tinapon nila. Kami na daw ang maglagay sa box at i-tape ng maayos. Bakit ka nyo? …Anong sa tingin nyo?
Kabayan 3: Isang sales lady sa isang kilalang mall ang nag follow up ng bagahe sa amin kung ano na ang status ng bagahe nya. Sabi nya na ingatan namin yun bagahe nya dahil maraming babasagin dun at pinaghirapan daw nya ipunin yun mga bagahe nya kasi heto...read between the lines na lang kayo…”Dugo’t Pawis at Tamod!” ang puhunan nya bago nya maipon ang mga padala na yon!..(Sorry for the term pero yan ang exact words na sinabi nya)..
Kabayan 4: May ibang kababayan tayo dito na arogante na akala mo kung sino sila na porke meron magandang trabaho, malaking sahod at magarang bahay eh ganun na lang magsalita. Halos laitin ka na mula ulo hanggang paa. Eh daig pa nga sila ng housemaid na pinay dahil ang housemaid na pinay nagbibigay ng tip o pagkain sa mga driver namin kahit kakarampot lang sahod tapos sila ni isang singkong duling o tubig na malamig walang maibigay..Humihingi pa ng discount..*NAMAN!* ...kabayan magbago ka naman ng ugali!
Halo-halong emosyon ang aming nararanasan sa bawat araw na lumilipas. Nakakaantig, nakakainis at nakakataba ng puso kung ito iyong bibigyan ng pansin. Sa totoo lang ang iba sa ating kababayan halos mawalan na bait sa sarili sa tindi ng hirap at lungkot na dinaranas nila. Marami pa sa ako gustong iki-kwento pero sa akin na lang yun iba.
Sana, sa lahat ng pamilya, kamag anakan ng mga kababayan natin sa pilipinas ma-realize nila kung ano ba talaga ang halaga ng pera na pinapadala sa kanila. Huwag sana nilang lustayin sa walang ka-kwentang kwentang bagay ang pera na natatanggap nila kada buwan. At para sa mga kabataan na ang kanilang magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa, wag din sana nila gamitin sa masamang bisyo at luho sa halip ituon nila sa pag aaral lahat pera na natatanggap nila mula sa magulang.
Hindi lahat ng nag aabroad may magandang buhay ang tinatamasa..Minsan sila pa mas nangangailangan ng tulong hindi dapat kainggitan..
Sunday, September 6, 2009
Agree or Disagree? Sunday, September 06, 2009

Ganito na ba buhay natin? Halos sa loob ng 24hrs mahina na ang 4hours sa pagbabad sa internet. Minsan pa nga pati sa school or office hindi natin maiwasan bisitahin ang isa sa mga nasa larawan na yan...nawawala na rin minsan ang pagiging productive dahil halos nauubos na ang oras sa pagbabad sa internet...
Pero naisip mo ba nuon unang panahon wala pang ganyan pero naiiraos nila ang maghapon. Masaya na ang mga bata na naglalaro ng tumbang preso, taguan, habulan, bending sa tsinelas, patintero, piko at marami pang iba.
Tuesday, September 1, 2009
Smorgasbord Tuesday, September 01, 2009

Napanuod ko sa TFC recently lang tungkol sa illegal na pagputol ng mga punongkahoy sa kalsada na matanda pa sa atin. Syempre as a concerned citizen medyo naapektuhan din ako personally, emotionally, spiritually sa pagputol ng mga punong kahoy na yun. Aba, kung walang punong kahoy eh di lalo na tayong babahain sa tuwing naulan at tayo din naman ang nape-perwisyo kapag meron bagyo. Sana man lang makunsensya ang mga taong ito na walang puso at puro pansarili lang ang kanilang iniisip..Kunin na sana kayo ng kaaway ni Lord!
Oh! wag muna kayo mag alsa masa at pupunta agad sa ayala para mag protesta dahil meron naman akong alternatibo na paraan na pamalit sa tissue paper..tignan nyo na lang litrato ko...

Bakit nga ba hindi bagay sa mga lalake ang T-Back? naisip nyo ba yan katanungan na yan?Ako naisip ko, una mahirap pag nag LBM tayo lalo na yun aktong mahirap na kontrolin ng wetpu natin ang malabnaw na jebs..(yuckkkk!) hehehehe...
















