Friday, August 28, 2009

Peyborit

Bata pa ako mahilig na ako manuod ng cartoons gaya ng superman, justice league, transformer, voltes v, voltron lion, voltron airsealand, He-man, Mazinger Z now (Badinger Z hehehe), care bears, rainbow brite at madami pang iba. Minsan pa nga sa sobra pagka-adik sa mga napapanuod dino-drawing ko pa sila sa pad paper o notebook kaya ang nanay ko galit na galit dahil madaling maubos ang mga papel sa gayun kakabili lang nya nun one week ago. Nag ala-NBI ang nanay ko at isa-isa nya inusisa ang mga nakasulat at napasigaw sya ng "Ano bang klaseng bata ka?!! Imbes na ABAKADA ang isulat mo dito sa puro drawing ng mga napapanuod mo!!".. dahil dun grounded ako sa panunuod ng tv at kada sabado at linggo lang ako pedeng manuod. Nalungkot ako syempre akala ko yun na ang wakas ng pagiging bata batuta ko dahil ang laging pinapanuod ng nanay ko eh Flor de Luna, Ana Lisa, Mga Batang Yagit (kamusta na kaya si Tomtom at Jocelyn ngaun?),Alagad ni Kalantiyaw, Helen Bela at Connie Reyes on Camera tapos ako hindi pedeng manuod ng peyborit ko..Hmmm! Kung meron lang bantay bata nun time na yun malamang naisumbong ko na nanay ko eh. Pero syempre mautak ako, hindi basta basta patatalo kaya ang di alam ng nanay ko eh bago ako pumasok sa skool sa bahay muna ako ng kalaro dadaan para makipanuod ng tv (Wais eh!) at dun na rin ako kakain ng tanghalian (kapalmuks!), syempre bata pa ako nun eh di pa aware sa word na "nakahihiya" hahaha..

Lumipas ang maraming taon patuloy pa din ang pagsubaybay ko sa mga cartoon characters na halos kasabay ko na sa paglaki. Patuloy pa rin ang pagkain ko sa bahay ng kalaro ko Patuloy pa rin ang kanilang pakikipagdigmaan laban sa mga kasamaan gamit ang modernong armas! (syempre sa tv lang yun!). Dahil sa computer age na tinatawag ngaun panahon na ito, ang dating drawing na cartoon characters ay naging 3D animation o ginamitan ng 3d Effects, digital dolby sounds para mas magandang panuorin kagaya ng Transformer, Superman, Batman, Spiderman, Kikkoman (huh?? superhero ba si kikkoman?) at madami pang iba. Kung nuon nakahiligan ko sila i-drawing sa pad paper at notebook hindi na ngaun dahil affordable ko na bumili ng mga toys or miniature ng mga peyborit kong cartoon characters. Siguro heto na yun masasabi ko na greatest possesion ko in lyf! (Joke!). Mahirap din pala mag collect ng mga ganitong toys dahil once na binili mo na sya hindi mo sya pwedeng alisin sa original package at lalong masagwang tignan kung aalisin ko at lalaruin ko pa sa edad kong ito! =) ang pinaka magandang gawin eh idisplay na lang sa loob ng kwarto, sa salas, kusina or kubeta depende kung saan mo trip i-display. Im sure maraming din kaedadan ko ang nagko-collect at halos naging hobby na nila din ito..(deprived child hahaha)

Dumarami na din ang mga cartoon shows na lumalabas ngaun sa tv o sa sinehan na tunay naman kinagigiliwan ng kabataan ngaun. Si Shrek, Toy Story (meron na 3 ngaun), Monster vs. Alien, The Incredibles at madami pa. Mas hi-tech, mas maganda ang story at mas kapana-panabik subaybayan di ba Mr. Bean?.. At my age di ko ikinahihiya na nanunuod pa rin ako ng cartoon network at disney channel lalo na ang di matapos tapos na banatan ni Tom and Jerry, Mr. Bean animated series, Sponge Bob (I like patrick!) at higit sa lahat Lilo and Stitch!... sa katunayan nga meron akong personal photo collection ng Lilo and Stitch..Oops! wag nyo download yan dahil personal collection ko yan ha! O di ba ang ganda ng naharbat kong picture ng peyborit kong Lilo and Stitch? Balak ko sya ipa-Blow job ipa-Blow up ng malaking malaki tapos bibilhan ko ng maganda pektyur prame at ilalagay sa dingding ng kwarto ko! ^_^

Kayo, ano ba ang kinagigiliwan nyo kolektahin? Meron akong friend ang hilig nya i-kolek eh mga old news paper at softdrink bottles mula nun maliit pa sya hanggang ngaun..(meron kasi silang junkshop eh).. Tapos yun iba naman hilig mag-kolek ng ibat-ibang klaseng komiks..meron nga akong nahiram na funny komiks, enjoy pa rin basahin si "Niknok!" at "Planet Op d Apes!" hahaha..

Matapang ka ba?


Matapang ka ba?
Kaya mo bang sagutin ang katotohanan kung ano ang tamang sukat mo?
Pwes! .........
Kung sa tingin mo buo ang loob mo para sabihin ang sukat na bagay sayo..
ibayag mo na ihayag mo na ang katotohanan sa sukatan ng bayan!

Ako..katabi ng large ang sukat ko hahaha....

P.S. : ang sasagot ng no comment at hindi mag comment meaning small sya or extra small..(wehehehe)

Wednesday, August 26, 2009

Quiz Bee

Akala ata ng FB na yan eh sya lang ang meron Quiz sa mga member nila. Meron din ako nyan noh... Sige try natin ito!

1. Bakit sya naka ngiwi?

A. Nahihirapan sya umutot kya kumuha ng bwelo (you know the deeper the better)
B. Naamoy nya sarili nya na amoy paa
C. Nahipan ng hangin kaya nagkaganyan na sya

2. Ang larawang ito ay..

A. Nagpi-feeling sexy kesohodang mukhang syang suman na hubad

B. Inaakit si Dr. Hayden Kho para gawan ng scandal

C. Gustong maging model ng Mang Tomas

3. Sya ay...

A. Nag-take ng Togmolodon na gamot sa headache

(Untog mo Ulo mo Don is the generic name of togmolodon)

B. May naupuan masarap kaya napapikit

C. Napanaginipan na kasayaw nya si Aling Dionesia

4. Ang mahaderang Bush ay..

A. Nagpapasukat ng talong

B. Pinag mamalaki ang kanyang alagang birdie kay papi

C. Naipit ang birdie sa pagsara ng zipper

5. Ang lalakeng nasa larawan ay..

A. Nagtutulog tulogan lang...keber nya mai-post sya sa pandaigdigan sapot

B. Namaalam na sa mundong ibabaw..

C. Need nya ng piktyur na 2x2 para sa passport

Sunday, August 23, 2009

Super Dad!

Magmula ng matuto akong gumamit ng adobe photoshop since 2007 eh nakahiligan ko na mag edit ng mga picture, need ko din pag aralan ang pag edit sa photoshop sa ayaw at sa gusto ko para sa website na ginagawa ko sa mga client ko (sideline ko ang web designing hehehe). Mas gusto kong i-edit yun picture ko na kunyari nakakalipad ako tapos papakita ko sa mga anak ko at sabay lolokohin sila nakakalipad ako. Kagaya kahapon, meron kasi akong inedit na pix ko last week tapos sinend ko sa anak ko na panganay na 9 y.o thru skype, pagkaresib nya sabi nya sa akin

Anak ko: Dad! kaw ba yan sa picture?
Ako : Oo, nakakalipad na ako eh meron akong powers!
Anak ko: Eh niloloko mo eh!
Ako : Hinde ah. Tignan mo nga nakasabit pa ako sa eroplano!
Anak ko: Eh bakit ka nakasabit?
Ako : Kasi nawalan ng gasolina yun eroplano kaya save ko sila para di sila mahulog.
Anak ko: Eh kung nakakalipad ka bakit di magulo buhok mo? Dapat magulo yan dahil mahangin sa langit.
Ako : (nag iisip pa ng palusot!) Eh ganun talaga, naka gel ako jan para Japorms pag nakita ako ng Tao! hehehe..
Anak ko: Sige nga punta ka dito na di ka sasakay ng eroplano!
Ako : Sige na nga joke lang kita dyan sa picture! Alam ko kasi idol mo si superman eh.

Mga bata talaga di mo sila basta basta maloloko. Masyado maraming silang tanong bago mo sila mapaniwala. Eh ano kaya kung makakalipad talaga ako? Magiging Villain ba ako or Superhero? Eh ano naman kaya ang magandang itawag sa akin?

A. Super Islaw
B. Fantastic One (kasi isa lang ako kaya one!)
C. Plastic Man and the Tupperware friends
D. Langgaman
E. None of the above

Hahaha...

Saturday, August 22, 2009

Talentadong Ako!

Tayong mga pinoy likas na sa atin ang mag toothbrush pagkatapos kumain mula umagahan hanggang hapunan. Pero ang mga Indiano at Nepali at idagdag mo na rin ang mga ibang arabo eh isang beses lang sila mag toothbrush sa isang araw which is umaga lang at yun iba naman eh kali-wali este forget it na lang ang pag toothbrush. Pero ang hindi nila alam tayong mga masisipag mag toothbrush ang naaapektuhan sa maling gawain nila lalo na kung sila ay kausap mo ng harapan na ang hangin ay mapa-amihan o habagat eh talagang naman malalanghap mo ang aroma ng hininga nila. At pag ito ay nasinghot mo at umakyat na sa utak na tila rabbish ang amoy talaga naman mapapa mura ka ng *&$%@@ sa baho na amoy imburnal! Naman, mag toothbrush naman kayo coz nasisira nyo ang ozone layer noh!

But anyway, hindi yan ang gusto kong i-topic ngayon kundi ang aking kakaibang talent habang nag too-toothbrush. Sa araw-araw ba naman ng pag toothbrush ko mula umaga hanggang hapon lagi na lang sumasabay ang aking putotoy sa pag wiwi. Maraming beses ko na pinipigilan ang mag wiwi while making toothbrush pero di ko kaya talaga na para bang sasabog ang pantog ko, kaya ang ending eh mag wiwi na rin ako habang nag-toothbrush! ^_^ hehehe..

Okei lang naman sana kung mag wiwi ako while making brushing da ngipens kaso yun pag wiwi ko sabay din sa galaw ng pag toothbrush ko kaya tuloy minsan sala-sala ang pag shoot ng wiwi ko sa bowl hahaha! Its kindah weird and Im sure ako lang ang may ganun talent not unless nagagawa din ng iba yun. Kung pede nga lang sumali sa Guiness Book of Records sasali ako kaso dyahe naman kasi biruin mo pag pumayag ang GBR sa talent ko eh di makikita ng sanlibutan ang akin putotoy while making wiwi hahahaha.

Change the topic...Last thursday while making rounding rounding in Safari supermaket, I saw nakita ko ang casio watch na remote control na din. Biglang naalala ko ang TV, DVD ko sa house ko na lagi ko na lang nami-misplace at ang tagal bago ko makita kung saan ko nailgay ang mga remotes. Kaya to solve the problem binili ko ang watch na casio na remote control sa lahat ng brand ng tv at vcr. O di ba gawain tamad ano? hahaha..pero okei lang atleast mamis-place ko man ang remote meron naman akong back up at lagi kong dala. Meron pa pala akong namis-place nun mag general cleaning ako ng house ko..yun Refrigerator di ko alam kung saan ko sya nailagay! Isip! Isip! hmmm...O sya sige hanapin ko pa yun mejo nauuhaw na ako sa tindi ng init ng Qatar!

Friday, August 21, 2009

Langit

Heaven.

Bakit ba itong kanta ni Mang Bryan Adams eh famous na famous sa mga nakakasalamuha kong driver. Napapansin ko sa bawat jeep, taxi, bus, kalesa, trisikol, pedekab, eroplano, barko na nasasakyan na pinapatugtog ni Mr. DJ ang Heaven ni Bryan eh nilalakasan nila ang volume ng radio. Anong hiwaga ang nababalot sa kantang ito? Alam ko maganda ang lyrics nito at marami na rin napaluha ang kanta na ito..pero luma na ito eh? Maraming taon na ang nakakalipas bakit hindi mamatay-matay ito sa puso ng bawat pilipino? Dahil ba sa maraming hopeless romantic ang karamihan sa ating noypi na ngopa? lols! Parang kanta din ni Manong Frank Sinatra na My Wi este My way. Madami na ang nagbuwis ng buhay dahil sa kantang ito na karamihan eh mga lasenggero ang biktima. Dumating din sa punto na sinisisi na si Frank Sinatra sa kantang ito, pero para sa akin hindi si Frank Sinatra ang dapat sisihin dito kundi mga Hapon! Oo, Tama ang nabasa nyo dapat mga Japon ang dapat sisihin dito dahil sila ang nag imbento ng karwake karaoke. (harharhar!). Kundi nila naimbento ang karaoke di sana walang mga lasenggero ang kakanta ng My Wi na nagkakapikunan dahil sa pagtatagisan kung ang mas sintunado sa kanilang lahat.

Wednesday, August 19, 2009

Limang Paks daw!

Bakit ba nadamay ako sa kabalbalan nila Jepoy at Yanie sa 5 facts about iskul eh samantalang simpleng alaskador lang naman ako sa mga posting nila =). Anyway, mahirap ata mag recall ng mga nangyari pero try ko pa rin baka meron pang natitira sa Yutak ko.

Pers.
Grade 1 ako nuong 19** sa mababang paaralan ng Bule Elementary School ay tsato agad ang hairdo ko (reyes cutters hahaha!). Syempre yun ang uso nang panahon na yon at lagi ako sunod sa uso hmp! Since public school ako nag aral eh uso sa skool namin ang naka-tsinelas sa mga estudante pumapasok na namumuti ang mga tuhod dahil hindi naliligo bago pumasok, ako naman naka rubber shoes na mighty kid na amoy sanggol sa tuwing papasok. (walang kokontra!). Kung sa skool ni Jepoy eh pinababaunan sya ng bunot ng mga kaklase eh ako naman eh bote ng sopis drink na walang laman with straw. Bait ng mga klasmeyt ko noh? Syempre ang mga sumunod na pagkakataon eh di ko na hinahayaan makarating sa bahay namin yun deretso agad sa Junk Shop sabay benta at ang ibabayad naman sa akin ng mamang intsek beho na may ari ng junk shop eh Chiz Curls..Naman! (pero masarap sya pramis!).

Walada.
Grade 3 ako nang matoka ako sa pag taas ng Watawat sa Flag Ceremony. Eh antok antok pa ako nun at halos late na ako makarating sa Flag ceremony kaya ang siste, aligaga ako sa pagtali ng watawat at ang ang ending wala sa ayos ang pagkakatali ko(ngeeek!). Nang nasa portion na ng kantang "Sa dalawang Bundok nakatira si Tarzan at Barok! May Kamote-Q, Banana-Q Gulaman at Sago!" ay biglang nalagot ang tali ng watawat. Ay Siya sabi ko sa sarili ko tapos ako kay Mrs. Paranete nito! Di nga ako nagkamali ng kutob dahil ora-mismo nakaupo na ako sa Principal Opis at pinangaralan na tungkol sa Watawat nang pinas..Blah! Blah! Blah! ang haba ng sermon at di pa nakuntento pina-squat pa ako ng isang oras! Kaya pag may nakikita akong watawat ng pinas ay naluluha ako...(napakasakit kuya Eddie at Ate Helen at Ate Charo!)

Lotat
Inenroll ako ni mader sa Private Skool ng high-school at what will you expect from da skul of poors to skool of rich---> *Culture Shock!* hahaha..Dami akong klasmeyt na rich, yun iba magaganda ang Koche at yun iba meron pang School bus eh samantala ako eh Dyipney lang. Hi-skool na din ng matuto ako mag music. Rakrakan dito, rakrakan duon at ang huli eh ako din talo dahil namayat ako, not bcoz of drugs...syempre sa gigs! "High School life so exciting kay saya!"

Kuwatro.

Syit! Ang hirap i-recall at kailangan pang isipin mabuti ang mga nangyari!
Second year hi-skul ako nang tumibok ang puso ko sa aming kapit bahay na itago na lang natin sa pangalan *BURGONIA*. Anak sya nang nanay at tatay na medyo mata-pobre na dati nakatira kami sa apartment nila dahil yun haus namin eh kasalukuyan nigagawa. Eh isang linggo pa lang kami mag-on eh nakipag hiwalay ako sa di ko malamang dahilan. "Maybe Im too young for serious relationship" Kaya dahil dun naimbento ni Imelda Papin ang isang linggong pag-ibig na kanta!

Lima-Sawa.
Nang mag-college ako dito naging makabuluhan ang akin student life..member ng choirs, meron Rock Band, active sa kung ano-anong extra curricular activities at higit sa lahat dito ko nakilala ang aking waswit dahil klasmeyt ko sya mula pers year college until makatapos ang pag aaral. Di na nya ako pinakawalan dahil bibihira lang daw ang taong katulad ko na tigasin.."Tigasa-in, Tiga-laba etc..etc..).

Ayan, kahit hirap na hirap ako i-recall ang best memories ko sa layp eh nagawa ko pa rin! =)

Tag ko dito si The Pope at lahat na nagbabasa ng blog ko!

Sunday, August 16, 2009

I heart you YAHOO!

I heart you Yahoo dahil ikaw ang nagkasagot ng katanungan ni friendship Claire sa isang song na narinig nya sa local radio ng Qatar QBS Radio. **XOXO YAHOO!**

Last friday Claire called me just to say I'm pregnant you're the father! ask the title of the song that she heard from the radio by giving only two lines of the song na medyo sintunado pa!

the chorus goes like this:
*after all this time,after all we`ve been through? if it`s all that we have,i will still have time,to find each other.after all..*

Aba naman sa dinami rami ng lyrics sa buong mundo na halos pare-pareho na yun lyrics at music eh saan ko naman hahagilapin yan kanta na yan! Inisip ko na ang title siguro ng kanta na yan eh After All at imposible naman na AFTER ALL THIS TIME..la lang naisip ko lang!

Pero syempre di naman ako nagpatalo sa walang kakwentang kwentang challenge na yun na kapalit eh KFC treat na walang gravy. Dahil pinanganak akong Porn Star Rock Star hindi rin naman ganun kadali ko na-jackpatan yun most wanted na song na yun.

Kaya komunsulta ako kay Mr. Google baka kako meron sya naitatagong kanta sa lumang baol nya..Eh kaso nun type ko yun After All na taytol eh si Peter Cetera at Cher ba naman yun nilabas at sigurado ako na di yun ang pinapahanap sa akin.

To make the story very long este short at halos dalawang araw na unproductive sa opis dahil sa kaka-search sa lintek na song na yun na suntok sa buwan ko na lang tinayp kay Mr. Yahoo search ang tanong na ganito..

Does anyone know the artist and title of a love song with the lyrics after all this time,after all we`ve been through? if it`s all that we have,i will still have time,to find each other.after all?

Swerte dahil meron din pala nag ask nun kanta na yun sa Yahoo na matagal na panahon, at meron din naman ang nag magandang loob na sumagot..

Heto ang sagot ni SLBOCEM.. si Linde Eder ang artist at ang taytol ng kanta eh Afterl All. Agad ko naman kinusulta si IYOTUBE Mr. Youtube para makita at mapakinggang si Aling Linda! Ayos naman pala yung song maganda at love song kaya hinanap ko na rin ang lyrics. So para good shot ako kay claire eh mabilis pa sa alas kwatro tinawagan ko sya para ibigay ang link!

Sabi nya, Galing mo ah! paano mo nalaman yun song at artist? Sagot ko naman, wala..pinatawas ko lang sa mamang albularyo yun manganganta kaya yan ang lumabas sa tawas! hehehe..

Kaya kanina..busog ako sa KFC na walang gravy! Haay sarap! Burrrp!

Okei share ko sa inyo ito!

http://www.youtube.com/watch?v=8pQNhsAIsIY

AFTER ALL

The moon makes ribbons to surround you
Within the robe of dark around you
I see goodbye
A blade that cuts me from your eyes
I wonder why
It's time for honesty and answers
Love is the song- we are the dancers
A broken pair- we spin alone
And wonder where- the touch has gone
After all this time
After all we've been through
Is this all that we have
No- we still have time
To find each other- after all
I touch your face and feel you crying
Are all the words we've said been lies
We'll never leave- the place where hearts
Alone receive- what love believes After all this time
After all we've been through
Is this all that we have
No- we still have time
To find each other- after all
Within the deepest darkness
The seed of morning waits to grow
The sun will come- this much I know
After all this time
After all we've been through
If we hold on to love- just one more night
We'll find forever- after all
After all this time
After all we've been through
If we hold on to love- just one more night
We'll find forever- after all
After all, after all, after all

Thursday, August 13, 2009

Adik sa yo!

Adik! Oo medyo na-adik ako sa FB (hahahaha!) pero okei lang atleast di naman ako nagumon katulad ng iba halos kada minuto meron posting dun samantala ang inyong likod eh hinay-hinay lang medyo demure pa. Ganun pa man, aliw naman talaga kesa FS kasi malayang nakakapag laro ako ng FARM TOWN na hanggang ngaun eh hindi ako makabili-bili ng lupain sa Realty Office dahil sa kakulangan sa salapi! (Calling mga Bombay pautang ng 5-6!). Ang isa pang nakapagligaya (Ahhhhh...!) sa akin eh makita yun mga choirmates ko ng College, nice to see them again after so many years (Do Re Mi Blah Blah Blah)..Medyo nakakagulat lang yun looks ng iba kasi meron napanot ang buhok (karma sa kaka-Gel at Spraynet!), ang iba tumaba dahil syempre bukod sa masarap ang pagkain nila sa bahay eh nagkaroon na sila ng family at anakis while the others is history na lang kung bakit nagkaganun ang looks! Pero di rin makakalampas sa akin ang mga iba na alam ko nagtatago sila kapa ni Superman at ayaw pa nila iladlad kung ano man meron sila, eh kahit nasa Qatar ako amoy na amoy ko hasang nyong berde harharhar!....Well, sa mga minamahal kong ka-choirmates now famous as The Voice of Manila (former Emilio Aguinaldo College Choir) na-miss ko kayo sobra!

Makaraan ang ilang oras na rehabilitation sa pagkagumon sa FB sa pamamagitan nang pag gamit ulet ng makinilya na kung saan mainam na gamot sa mga kagaya ko na halos kasama na sa DNA ang salitang computer+internet = FB..nagamot ako! Techu very much binago mo ako! Aleluya! AleBawang, Sibuyas at Kamatis hehehe..Napag isip isip ko na iba rin ang mundo ng blogger kesa mundo ng FB..hmmmm..iba nga ba? Siguro, marahil, subalit, dapatwat, bagamat, di ko alam!!

Kanya kanyang trip lang siguro. Pero para sa akin mas malawak ang freedom of expression ng blogger kesa sa FB at mas marami ang reader, commentator at critics ang makakabasa ng mga panaghoy ng mga blogger sa buhay! Haay buhay blogger..dati rati walang blog, sa simple diary book lang naiisulat lahat ng sa loobin ng isang tao, pero dahil modtech ayun lalong lumakas ang freedom of expression lalo na kapag meron current issue ang bayan! Sabi nga ng isang blog na ayaw paalam kung anong blogsite eh "Blog speaks louder than shout!" Somewhat evident naman ang kanyang battle cry sa blog nya at I totally agree with her! 5 thumbs up! Kaya mga kablogosphere ipagpatuloy ang nasimulan nila Andres Bonifacio! K K K ito! (Kanyang Kanyang Kaekekan sa pag susulat!)

Monday, August 10, 2009

Food for the hunger!

Hanep ang news ngaun sa pinas.."Tita Glow nag dinner ng halos milyones na pagkain!" Wow astig talaga, parang di nag hihirap ang mga filipino. Sana man lang nagpabalot ka ng pasalubong sa mga naghihikahos na mahihirap para di ka nababatikos hehehe. Pero seryoso tayo, eh talaga naman nakakabad trip na balita yun at kahit na sabihin pa nya na libre lang yon ng isang kongresista, hmp! (emo mode!) Sana man lang sa bawat pagkain na isinusubo nya sa bibig nang mga araw na yun eh sinasariwa nya sa isipan nya ang mga pilipino na halos mamatay na sa gutom at malaman natin kung mangunguya nya mabuti ang pagkain na yun! (grrrr!!!)

Hayyyyy pinas! hanggang kailan ba tayo magiging alipin ng mga tiwaling politiko? Hanggang kailan pa ba tayo maghihirap? Nasa sa atin din naman bawat pilipino ang ika-aasenyo nang ating Lipunan basta ihalal lang natin ang tamang tao sa pwesto! Kaya sa susunod na halalan iboto nyo ako sa pagka Presidente, isa akong taong madaling lapitan pero mahirap hanapin! (bwehehehe!)

Sa totoo lang kahit mas malaki ang sahod ko kay tita glow (P45k sya a month at ako naman eh $45k a month hehehe joke!) eh hindi ko magawang kumain sa mamahalin restow! Katwiran ko masarap pa rin ang lutong bahay lalo ng aking waswit at maderski. Wala pa rin tatalo sa mga espesyal na recipe nila inay at waswit lalo na ang PATSAM (derived from the word Patsamba tamba..wekepedya) na recipe kapag tinatamad magluto hahahaha..Pinaka gusto kong luto ni inay eh "SOPAS" sarap to da max! kahit ako mismo di ko magaya yun stilo ng pag luto nya. At ang aking waswit naman eh mga sinigang pig na halos kumpletos rekados sa sahog. Kaya nga ako tumaba sa mga lutong bahay na kahit saan di mo matitikman!

Teka nga, ating kwentahin ito, kung ikaw ay isang ordinaryong pilipino na kumikita ng P10,000 pesoses kada buwan at kinakaltasan ka ng tax na 25% kada sahod, Aba! aabutin ka ng siyam siyam (30 years plus) para magkaroon ka ng P1M to pay such a dinner like our very own majesty tita glow! Eh kuba ka na nun kakatrabaho!

Sana yun nanlibre eh ilbre naman nya sa susunod yun mga Yagit na katulad namin sa Restow na yan para kahit papaano maranasan namin ang kumain sa mamahalin restow at makatikim ng putahe na di pa namin natitikman sa tanan ng buhay namin.

Tuesday, August 4, 2009

Untitled

Salamat Po Tita Cory!

Wala pa akong maisip na pamagat ng first posting ko this month of Aug..actually medyo nalulungkot ako sa pagkawala ni Presidentita Cory. (hikbi!) Syempre wala na yun tagapagtanggol ng ating demokrasya at sana lang kahit wala na sya eh ipagpatuloy pa ri natin mga noypi kung ano ang nasimulan nila ni Sir Ninoy! Pero syempre happy na rin ako kay Presidentita Cory kasi magkakasama na sila ni Sir Ninoy sa Heaven ang di ko lang alam kung pati sa P 500.00 bills eh ilalagay din si Tita Cory =) . Wherever you are now Tita Cory I'm sure masaya ka na ngaun, we will miss you lalo na pag Corp Comm meeting natin nuon nag work pa ako sa inyo.

WoW naman Will!

Last week nanuod ako ng Wowowee sa TFC at syempre ibinibida ni Willie na number one ang kanyang Album sa market. (syet!) Naman eh kahit anong gawin ko di matanggap ng sistema ko ang mga kanta ni Willie Revillame na kahit anong ganda ng lyrics walang arrive sa akin. Sabi nga ni Rico J. Puno kay Willie eh kakaunti lang daw na tao ang may ganun na boses. Sabi naman ni Willie sino sino daw silang may kakaunting tao na may ganun boses? Sabi ni Rico J..Ikaw at si Manny Pacquiao! Hahahahaha..Sobrang tawa ko sa punch line na yun!

Blogs life!

Sya nga pala, maraming salamat sa mga na bisita sa Blog ko kahit walang ka-kwenta kwenta ang mga pinag lalagay ko dito, at ang iba naman eh exchange link pa! Promise pag di ako busy sa work ko babasahin ko mga postings nyo hehehe... Pero alam nyo ba na ang pagbo-blog ko eh madami din akong nakikilala na ibat ibang tao, nakatulong din ito sa akin para di ako ma homesex homesick (clap! clap! clap!). Maaring di ko nga kayo kilala personally pero yun magkulitan tayo sa bawat posting natin sa blog eh tunay naman talagang nakaka-aliw! Na-appreciate ko talaga kayo hahaha..hopefully sana pag umuwi ako ng pinas eh makita ko kayong lahat in person..(treat nyo ko sa jollibee ha!)

Movies

Magmula na mapadpad ako dito sa M.E ang dami ko nang napalamapas na movies. Nag tyatyaga na lang ako sa mga pirated na DVD kung sakaling meron magpahiram. Dati rati wala akong pinapalampas na palabas lalo na kapag SCI-FI..pero ngaun kahit pelikula ni Bentong di ko na napapanuod hahaha... Masyado kasing late iton M.E na ito sa movies eh.

Sharing links

Kung meron kayong gustong hanapin na long lost friends, relatives, family, or ex-gf/bf at gusto nyo malaman kung ano na ang bagong kagananpan sa kanila eh try nyo itong site na ito at makikita nyo kung saan saan sila member ng social networking hehehe..

http://www.pipl.com/

Dapat syang bigyan talaga ng medal! Saludo ako sayo Bro! Syet ka talaga..as in talaga..hahaha

Blog Widget by LinkWithin