Bago ang lahat nais ko muna batiin kayo ng happy moo-moo's day! Nawa'y di kayo dalawin ng mga moo-moo sa pag tulog nyo!
Sumulat ako ngaun dahil nais kong ibahagi ang kakaibang karanasan ko kahapon lamang. Nais ko sana itong pamagatan ang aking liham na "Tinik sa lalamunan!" . Opo, tama ang nabasa nyo.
Sumulat ako ngaun dahil nais kong ibahagi ang kakaibang karanasan ko kahapon lamang. Nais ko sana itong pamagatan ang aking liham na "Tinik sa lalamunan!" . Opo, tama ang nabasa nyo.
Kasi kahapon kumain ako ng isdang pinirito (Fish Biriyani). Di ko alam ang tawag sa isda na yun na sobrang yummy kainin pero sobrang tinik naman. Dahil sa tindi ng gutom ko ng tanghali eh hindi ko na alintana ang tinik ng isda na akin kinain. Bigla na lamang may masakit sa aking lalamunan sa tuwing ako ay lulunok. Nuon una inisip ko lang na baka meron akong nalunok na kutsara or sandok pero hindi talaga eh..imposible magkasya sila sa lalamunan ko! Hanggang sa napag tanto ko na talagang tinik talaga sya ng fish..PRAMIS!. Hindi ako mapakali dahil parang meron
Bigla ko na lang naalala ang sinabi sa akin ng tatay ko nuon maliit pa ako na minsan din na natinik ang aking lalamunan. Lunukin ko daw ang kanin ng buo sabay inom ng tubig dahil sasama daw ang tinik sa kanin at tubig. Ginawa ko ulet sya kahapon pero wa-epek! Halos maubos ko na nga yun isang kalderong kanin..makaraan ang ilang oras na di mapakali, binuksan ko ang aking laptop ang nag log in sa YM..eksakto naka-online si Jovy mafrend, tapos naikwento ko naman sa kanya na nakalunok ako ng tinik at ang payo naman nya eh kumain daw ako ng saging sabay inom ng tubig. Dahil sa naiirita pa rin ako, dali-dali akong pumunta sa bangali grocery store para bumili ng isang damakmak ng saging.
Takte talaga, halos isang piling na ng saging ang nilunok ko nandun pa rin ang tinik sa lalamunan ko. Binalikan ko ulet ang aking friendship na si Jovy at kinuwento ko na wa-epek pa rin. Heto ang kanyang ultimate advice na sobrang epektib daw..Sundutin ko na daw ng daliri ko ang lalamunan ko para makuha ang tinik sa lalamunan ko. Gagawin ko na sana pero bigla kong naalala na habang kausap ko sya eh nagkakamot ako ng betlog ko.
Nasan naman ang delikadesa ng daliri ko kung ipapasok ko sya sa lalamunan ko di ba? So sa madaling salita, dahil hopeless case na ako na maalis ang tinik sa aking lalamunan..Pikit mata kong sinundot ang lalamunan ko para maalis ang tinik! Pero syempre nag hugas muna ako ng kamay noh..hehehehehe.. Sa wakas, makaaraan ang ilang minuto ang masuka-suka at nangingilid na luha naalis ko rin ang tinik sa akin lalamunan. What a life..biruin nyo ilang oras din ako di mapakali dahil sa lintek na tinik na yun ah! Totoo pa lang ang kasabihan na "para kang nabunutan ng tinik sa dibdib" teka bakit sa dibdib? di ba sa lalamunan yun? Bahala na nga kayo ang gulo nyo eh!


10 comments:
Sa susunod kasi dahan dahan ang pagkain lalo kapag isda, o kaya magtabi ka ng pusa kapag isda ang ulam mo, para pag natinik ka eh padukot mo agad sa pusa lolz
Emo Ka no! Hoy Kablogie bigyan mo ako ng picture greetings, bakit si Jepoy meron!ako wala! Ang daya!
Iintayin ko yan ha! Ibigay mo bago mag november 10. Ipadala mo dito drake_kula@yahoo.com
Ingat pre at salamat in advance
Yan ang hirap sayo bro! natinik ka na nga may gana kapang mapasik ng tyan, SA KATATAWA AHAHA!
sUGGEST KO pa naman na maghanap ka ng ipinanganak na suhi. Kasi naging epektib din sa akin yun. minsan ako natinik at buti nalang hipag ko ay suhi. un konting kamot nya sa leeg ko parang bulang naglaho.
hahaha, laging may himala! nakakatawa! buti di ka naduwal Kablogie? di ba pag sinusundot ang ngala-ngala eh nakakaduwal? hahha
anyway, may paraffle po kami sa Thoughtskoto. Pakiplug-in naman po at baka gusto niyo sumali.
Salamat. Its Judging time. Goodluck sa inyo!
masusuka na sana ako. akala ko di ka man lang nag-hugas ng kamay. haha. wag kasi masiyadong matakaw parekoy:P
Ogie, sabi nila kailagan mo raw ng suhi na manghihilot sa lugar kung saan ka natini tulad ng lalamuna, o kaya ay kumuha ka ng pusa at ipahid mo ang kanyangmatalas na kuko sa lugar na ikaw ay natinik.
Parang mas epektib ata ang pusa hahaha. Katatapos lang ng berdey mo nagsimula ka na naman ng katatawanan.
Lord CM, kaso bihira ang pusa sa Qatar eh. Meron man ako makita nakabulagta naman sa kalsada kasi nasagasaan sya. ^_^
@Drake..Aba! kaw din ay inggetero kagaya ni Jepoy? Sige padalhan kita...heheheh...
@LifeMoto..Totoo ba yun Suhi eh nakakaalis ng tinik sa lalamunan? Feeling ko wala ng suhi na pinapanganak kasi ang mga duktor eh puro CS ang ginagawa sa mga buntis!.
^_^
@Mr. Thoughskoto! Talaga meron pa-raffle sige puntahan ko yan site na yan mabilis pa sa alas tres.
@Nightcrawler..Sa tindi ng gutom eh di ko na napansin na meron palang nekti..buset!
@The Pope..walang pusa sa Qatar kasi puro nakabulagta sa kalsada..^_^
Kadiri ka! Pag tapos mong mag kamot ng betlog saka mo susundutin ang lalamunan mo. Parang deep throat lang!
Pag hindi pa naalis ung tinik i susugest ko na sana ang pliers para makuha mo ang tinik. 'Yun lang naman! Ingats!
haha mabuti at naabot mo ang tinik sa dibdib este sa lalamunan mo.. masyadong masakit nga yan, naranasan ko na din yan eh.. pero kinaya naman ng kanin at tubig yung sa akin ahehe
Post a Comment