Thursday, October 8, 2009

Nagdaan araw


"Ako ay nagbalik

sa init ng iyong yakap

Parang ibon sabik

sa isang pu.."


Stop the music!


Yeah nagbabalik ako sa mundo ng blog makaraan ang ilang araw ng pagdaramdam sa mga nasalanta ni Ondoy heto ako basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan!

Stop the music again!

Pasensya na sa mga blogmates ko na di ko nabibisita ang kanilang latest topics sa mga nagdaan araw eh busy lang ako sa akin super duper work-a-holic kuno.

Di ko pa rin nalilimutan yun pangako ko na picture greeting sa kanya (",) atsaka sa video na ask ni PEBA. Aktuwali lagi ako binabangungut sa munting kahilingan ng yan parang nakaka kunsensya ba? hehehe...

Saan ba ako naging busy?

Una, magpapasko na at natural mente kaliwa't kanan pinoy ang sabik na sabik na magpadala ng bagahe sa pinas para sa pasko. Pangalawa, meron pa kaming promo na di ko suka akalain na magiging patok pala sa masa! (malay ko ba eh trial and error lang yun!).

Pangatlo, ang aking mahiwagang laptop eh fully loaded na pala ng virus. Bukod sa bumagal ang akin laptop ang dami pang nag pop-up na kung ano ano patalastas at ang ending "Format ang HDD".

Since wala na akong choice at need na talaga i-format nag isip ako kung anong OS ang akin gagamitin kase sawa na ako sa Win XP ni Manong Bill Gates. Bago ko i-format nag consult muna ako kay Ginoong Googles kung ano na ba ang latest OS ni Manong Bill Gates. Kakahanap ng kung ano ang maganda naispatan ko ang Win XP na Black Edition. Ito pala eh pirated edition ng isang programmer na kinustomize na naayon sa kanyang design na madami daw dagdag na kung ano kaeklatan. Diba Sushal.

Excited ako sa version na ito kaya dali-dali kong dinownload sa limewire. Makaraan ang apat na oras na paghihintay sa kapana-panabik na OS..Presto! meron na akong copy at ready to install na. Syempre back-up ko muna ang important files like photos, documents, mp3's, softwares at pinaka-mahalaga sa lahat ay ang bomba na panuorin..^_^.

Habang nag-iinstall ako ay nakatingin sa kawalan nag iisip kung bakit si tita glow ay pandak eh matangkad naman ang tatay nya nuon. Siguro maaga lang inawat ng nanay nya sa dede kaya hindi sapat ang sustansya sa katawan at ganun na lang ang kanya taas...nwei...

Heto na. Naka-install na.
Enjoy sa new look ng theme ng XP.
Pero...bakit ganun?

Walang paint brush nakalimitan ginagamit ko sa mga website na ayaw magpa copy ng pix? Hinde! Ito ay isang kahibangan!!! I strongly protest!..

Di lang yun ang aking audio hindi nag work kahit meron akong CD driver. Paano ko madidinig ang mga O yeah! O yeah! sa bomba na panuorin. Aba! Anak ng tinapa talaga. Akala ko ba maraming dagdag na features eh mas marami pala ang di supported! Grrr!....Bad Trip mode.

Ok payn! para matapos ang lahat. Delete again at balik na lang sa dating OS na ginamit ko. Hmp! kaines ubos oras lang. Di sana nakapag blog pa ako ng ilang araw eh! Masyado kasi akong ambisyoso hahaha...

"Teka, maiba tayo. Bakit sa Santino na telenobela, ang boses ni Daddy Jesus eh parang si Big Brother!"..

19 comments:

Life Moto said...

excited pa naman ako sa bagong OS mo. sablay din pala bandang huli. nabitin tulo ako doon nasa klimax na. babalik ka rin pala :) at least na try mo malay mo nga mas maganda.

Jepoy said...

Excuse me dead ang link ko ayusin mo sayang ang promo ng site ko.

Ikalawa wag kasing mag download ng mga porn porn kaya ka na vi-virus. And most off all format ka ng format pag nag bad sector ang hard drive mo tatawanan kita. Mag windows 7 ka nalang! Tapos sabihin mo sakin kung ok.

At ikahuli nasan ang picture greeting ko, wag yung naka brief ka lang ha ahahahah

Lord CM said...

Hehehe :D Kaya ko nga binasa dahil sa bagong OS eh, yun pala palpak! lolzz

The Pope said...

Naku, wala palang Paint Brush software na kasama ang XP Black Edition, hahahaha. May ilan din akong pc na ni-reformat at ini-install na XP Black Edition, buti hindi nila napuna hahahahaha.

Ano ba ang promo ngaun ng inyong cargo lalo't malapit na ang Xmas bro?

Happy weekend.

Kablogie said...

@lifemoto..oo nga eh sobrang bad trip. :(

@Jepoy..oo nga hahaha ayusin ko link sayo. Atsaka, downloading of porn is way of life na porn me este for me! hmp!

@LordCM..sobrang palpak. Wag mo na tyr install. :(

@The Pope..di lang Paint brush. Maraming wala..kinustomize lang ito na naaayon sa kagustuhan ng gumawa at hindi for general patronage.

visit mo ito site na ito sa promo namin sa cargo. www.shahercargo.com

pagpasensyahan mo na yan site na yan ako gumawa eh hehehe..

Ambidextrous Meeya said...

apir dude!
yun lang! hahaha...

Arvin U. de la Peña said...

maligayang pagbabalik..mahilig ka rin palang manood ng may bukas pa..nanood din ako niyan..hehe..kontrabida talaga si dina bonnavie..tama ba ang spelling..kontrabida talaga si malina..inggit siya na napapalapit si mayor kay santino na anak ni mayor na hindi pa niya alam na anak niya..eh kasi si mayor nambabae pala at nagkaroon ng bunga ang pag sali niya sa bawal na relasyon at ayun si santino ang naging anak niya na si malina pa lang ang nakakaalam..kailan kaya malalaman ni mayor na anak niya si santino..

ch!e said...

hmmm...magandang theory nga yon kung bakit pandak si tita glow. :D

kheed said...

haha magka boses nga si bog brother at bro ni santino, parehong nag eecho pag nagsalita sila..

ako din kelangan ko ng magreformat, pero hindi ako ko kukunin yang OS na ginamit mo, palpak pala ahehe

Kablogie said...

@Meeya...Apir din sayo! hahaha..

@Arvin..Ala eh masugid na tagasubaybay din eh!

@Chie..Tumpak ka jan. lols!

@Kheed..wag mo na itry install masisira lang ulo mo hehehe

Yanie's Ka-blags!!! said...

Oo nga, nagigising tlaga ako sa hatinggabi, binabangungot sa kakaisip kung nasan ka na. sinira mo ang routine ko araw araw na mag-comment sayo.! buti naman bumalik ka na, matatahimik na ang kalooban ko, hehe!

Kablogie said...

@Yanie ahahaha..tawa ako dun ah.

DRAKE said...

Buti pa ang multo nagpaparamdam ikaw hindi!hhahahah

Kaya pala medyo hindi kita masyadong nakikita sa blogosphere busy ka pala!

Pre sa padalahan ka pala nagtatrabaho.ahhh kaya ka pala busy!

Pre bat di subukan yung OS na ginagamit ko, updated kasi ako sa mga OS, bat di mo subukan ang........WINDOWS 95 subok lang bro

Kablogie said...

@Drake patayin kaya kita windows 95 eh meron mas bago jan yun Lotus 123 subok na subok ko na yun. lolz!

Arvin U. de la Peña said...

speaking of big brother ay abangan mo pala ang pagpasok ko sa bahay ni kuya..yah, sa pinoy big brother ay papasok po ako..abangan mo..

RUEL said...

ayan ambisyoso ka kasi..hehe

try mo na lang ang vista..maganda siya hindi ka talaga magpoprotest..

Francesca said...

kasi hired na si jesus; kapitbàhày ni sàntino, hehehhe.
JOKE LNG

Kàyà pàlà, kung àno àno binubutingting mo sà pc mo!!!!

concentràte nà dun sà pebà video mo, kc àssignment ko rin yun, là pà me nàbuo, lol

timberboy said...

Marami nang nagoyo yang Black Edition na yan at isa ka na sa kanila!
CONGRATULATIONS! (wowowee!)
LOL.

May tanong ako, bakit kidnap-in si Santino?
Ilang beses nang nakidnap yang si Santino pero parang hindi na natuto.
Lamyerda pa rin ng lamyerda... May sapi ni Dora the Explorer ang bata!

Kablogie said...

@Francesca ahahaha...ultimate assignment mo din pala ang video ni PEBA...haaiiisst ako din eh! camera shy ako eh.

@Timberboy..ahahaha tama baka kapatid ni Dora si Santino ang lakwatserang negra! lols...

Blog Widget by LinkWithin