Friday, September 18, 2009

We've got it all for you!

Para sa mga kagaya ko na OFW na matagal-tagal na wala sa pinas na mahilig bumili ng kung ano-ano para maipadala sa mga pamilya na nag iiisip muna bago bilhin dahil sa mga sumusunod..

Titik A: Nag iisip kung meron na sa pinas ng ganun item.
Titik B: Saan ang mas mahal, Sa bansang pinagta-trabahuhan o sa pinas?

kasama na din yun kung ano ang swak sa budget nila, mas matibay na brand at marami pang iba..

Well, para matapos na ang isang katerbang tanong sa inyong isipan...Share ko ang link ni ka- hiramang suklay na si Henry Sy para meron kayo point of comparison sa bagay bagay na nais nyong bilhin..

Mabuti na yun meron tayo pag kukumparahan para alam natin kung saan tayo mas makakatipid.

Halimbawa..ang peymus na LCD TV na 32 inches na halos lahat ng OFW eh gustong gusto makabili nito at todo ang pagtitipid masungkit lang sa deparment store ang pinapangarap na TV.

Kung dito sa Qatar ang halaga ng isang TV na Samsung 32 inches LCD eh Qr 1499 riyals plus cost ng pagpapadala ng door to door sa pinas ay Qr 550 riyals at syempre requirement ng cargo company na i-crate ang LCD para ma-proteksyunan ang TV dahil prone sya sa damage sa loob ng container na ang cost ay nagkakahalaga ng Qr 300 labor and materials.

Add natin ito..

1499 + 550 + 300 = 2349 riyals lahat lahat ang magagastos mo para maipadala sa pinas ang TV na kung iko-convert mo sa pesos ay Qr 2349 x 13 = Php 30,537

Pero kung titignan natin sya department store sa Shoemart eh nagkakahalaga lang sya ng Php 28,762.89. (check the link)

P 30,537 less 28,762.89 = Php 1,774.11 Mas mapapamahal ka ng ganyan halaga kung sa ibang bansa ka pa bibili na kung susuriin mong mabuti iisang bansa lang ang gumawa. Anong sense ba kung sa ibang bansa ka bibili kesa pinas ka bibili? Dahil ba sa idea na "Iba pag galing abroad yun gamit!" ..Dahil siguro sa idea na yan kung minsan hirap pa rin ang mga pilipino makaahon sa kahirapan.

Aba sa panahon ito mahalaga na ang bawat sentimo na ilalabas natin. Kaya mabuti na yun meron tayo point of comparison di ba? Nakatipid na tayo nabili pa natin ang gusto natin bilhin. O sya mag window shopping na kayo!

15 comments:

RUEL said...

Aba nagbibigay ka ng payo ah..Paano na yong business niyo?eh dahil dito wala na kayong income kung sa Pinas na lang bibili ang mga kababayan natin..lagot ka..wala kayong hadiya sa eid..hehe

Seriously, mahal talaga kung dito tayo bibili sa labas tapos ipabagahe natin..Kaya nga ayoko talagang magpabagahe..

Kablogie said...

@Ruel..Its about time na payamanin naman natin ang ating pilipinas..lagi na lang ba ang saudi ang yayaman..Pag mayaman na ang pinas uuwi na tayong mga OFW para dun na tayo mag work kasama ang mahal natin sa buhay..

Atsaka ang mga pinoy, ilan dekada na ang nagdaan, ilang beses na nagtaas ang bilhin sa pinas but still magpapabagahe pa rin sila..nasa kultura na natin iyon! =)

Jepoy said...

Aktuli, matagal ng minit sa mata ko ang Sony Bravia sa SM at super dipid ako dahil gusto ko itong i cash. Ayokong i kasKas si Bestpren Visa Card para makamtan ko ito.

May point ka, cash nalang ang ipadala mo sa pamili mo tapos sila nalang bibili. Libre pa ang LCD rack at may discount pa mag sale sa SM. :-D

The Pope said...

Thank you bro, very informative, lalo na yung link ng SM, isang malaking tulong ito sa mga kapwa OFW na nag-aakala na mas nakakamura tayo sa pagbili ng mga electronic items sa abroad at sa bandang huli ay mas mura pala sa atin.

Happy weekend at Eid Mubarak to you and your family.

God bless.

batang'henyo said...

Thanks sa link..

I agree.. mas mahal pa nga kapag sa ibang bansa pa bibili pero in fact, parehas lang naman ng quality ang item.

Di na akma ang konsepto na "galing abroad kasi".

YanaH said...

kaya nga po nugn nasa dubey pa ako eh.. pinag-iisipan ko rin kung dun ako bibili o dito na lang sa pinas ng.. hmmmm.... ano....
kasi....
hahahaha
joke lang poh..
tama rin naman...
less abala din naman un on your part, tas makakamenos ka pa..

Lord CM said...

Hehehe :D di ko magagamit dito sa Palau yan, kasi mga gamit dito galing din ng Pinas, kung hindi man eh galing sa ibang bansa at tiyak mas mahal dito kaysa presyo sa Pinas

Kablogie said...

@Jepoy...wag mo na sya ikaskas sa bestpren mo visa card..tiisin mo na lang makapag ipon. lols!

@The Pope..oo nga eh, mabutin na yun alam natin ang prices dito against pinas baka bili tayo ng bili eh sobrang mura na pala sa pinas..Happy weekend din! :D

@Yanah..sinabi mo pa! lols..

@Batanghengyo..Talagang di na akma yun idea na "Galing Abroad!" Dapat ang baging idea na "Mas makakatipid tayo dito!" ahahaha..

@LordCM..ganun ba? Eh mag window shopping ka na lang sa link kunyari na sa pinas ka hahaha...

DRAKE said...

Mura pa pala ang Samsung TV dyan! Dito kasi sa Saudi 1,799. Bibili na ako sa katapusan!wipeee! Hayaan mo pipiktyuran ko.

Tungkol naman sa LCD TV na yan! Naku psychologically iisipin nilang nakamura sila more on kasi sa based price nakatingin ang tao eh! Minsan nga .50 lang ang pinagkatalo dun pa rin sya sa mas mura.


Saka isa pa, mahirap maglabas ng 29,000 pesos pero ang 1,500 qatar riyals mas madali! Kahit magkapareho lang ang halaga! Pre maniwala ka iba ang feeling na naglabas ka ng pesos kesa sa riyals!heheh

Kablogie said...

@drake oo nga parang barya lang yun riyals kung iisipin wag ka nga lang magko-convert sa peso dahil baka malaglag ang brief mo sa sobrang mahal ahahaha...

timberboy said...

Kita mo nga naman, may online shopping na pala ang SM. 'Stig!

Dhianz said...

ahaha.. 'la lang... parang minsan chocolates... example.. toblerone... pag galing sa pinas eh... okei lang... pero ang toblerone.. galing sa US of A... parang nagiging ginto... parang nagiging sooper sarap... parang kulang na lang magpapa-picture kah w/ it... at make sure ipagyabang kc galing sa ibang bansa toh... haha... wala lang... pumasok lang yan sa yutakz koh.. haller sau ka-bloggie... anoh bah kc name moh... at ka-bloggie lang po lagi tawag koh sau... oh yeah maraming thanks kc madalas kang dumadalaw sa mansyon koh... i appreciate it... really... thanks... ingatz lagi.. Godbless! -di

kheed said...

dude salamat sa payo, medyo nahilo lang ako dahil merong computation, wag naman sanang ganun ahehe

mas ayos talaga kung dito na lang tayo sa pinas bibilhin at makakapamili pa ang mga pamilya mo ahehehe.

Kablogie said...

@Dhianz ahahaha...musta na twilight saga reading mo? you can call me JOY for short! (huh anong connect?) hehehe..

@Kheed..welcome back! Now alam na natin kung alin ang mura at mahal na bilihin..

Eileen said...

uy nabanggit ang toblerone sa comments! may website na toblerone philippines! www.toblerone.com.ph/

Blog Widget by LinkWithin