Nasubukan mo na bang mangarap? ... Ang sarap mangarap di ba? Sabi nga sa kanta "Libre ang mangarap"...
Ang sarap kaya mangarap ng gising... ang dami mo pedeng isipin minsan nga pati yun mga imposibleng mangyari eh nangyayari sa pangarap di ba?
Halimbawa, pede kang mangarap na meron kang magarang kotse na lamborghini na nakasakay si megan fox sa tsikot mo tapos full volume ang sounds na super sa dagungdong..di mo nga lang mapatakbo kasi ang gulong mo eh triangle tapos meron grado ang wind shield ng kotse mo na nasa 400+... Weird pero ang sarap isipin di ba? O di kaya pede mo rin pangarapin na meron malaking palaka sa lugar nyo na pang Guiness Book of Record, pag tinanong kang representative ng Guiness kung anong klaseng palaka yun na sa lugar nyo sabihin mo na lang na Tot ang tawag sa palaka na yun. ^_^... (away na to!)
Meron nga akong kaibigan, hanep sa pangarap eh..sabi nya pag tumama sya sa lotto bibili sya ng 50 pcs ng I-phone tapos yun 49 itatapon nya tapos isa lang ang gagamitin nya..hahaha..simpleng pangarap na meron kahambugan kaya until now di pa rin tumama-tama sa lotto ang mokong eh..(di naman kasi sya nataya sa lotto dahil di daw sya naniniwala dun!).
Pero alam nyo ba na meron tao na kaya nya tuparin ang pangarap ng bawat tao..sino sya? Kilala nyo na sya dahil minsan na nya naging slogan ang "Pangarap kong tuparin ang pangarap nyo!"...Sino sya??? ...Heto kilalanin nyo na sya..

Napanuod ko sa TFC recently lang tungkol sa illegal na pagputol ng mga punongkahoy sa kalsada na matanda pa sa atin. Syempre as a concerned citizen medyo naapektuhan din ako personally, emotionally, spiritually sa pagputol ng mga punong kahoy na yun. Aba, kung walang punong kahoy eh di lalo na tayong babahain sa tuwing naulan at tayo din naman ang nape-perwisyo kapag meron bagyo. Sana man lang makunsensya ang mga taong ito na walang puso at puro pansarili lang ang kanilang iniisip..Kunin na sana kayo ng kaaway ni Lord!
On the otherside op da istory eh, maraming din nagagawa sa mga punong kahoy, gaya ng lamesa, upuan, haligi ng bahay, sangkalan at madami pang iba. Alam nyo din ba na ang papel eh galing din sa punong kahoy? Hmmm...paano kaya nila ito nasibak ng ganun kanipis ang kahoy para maging papel? hehehe..ang hirap isipin noh?
Pero syempre, as citizen patrol ng environment meron akong panukala na isusumite sa senado bukas na bukas na sigurado ako na aprubado at mabilis pa sa alas kwatro ito ipapatutupad..Ano ito? Ito ay ang hindi pag gamit ng tissue paper sa lahat ng public toilet..
Opo! tama ang nabasa nyo dahil ang tissue paper ay isa sa pinaka consumed na form of paper na galing din sa punong kahoy...
Oh! wag muna kayo mag alsa masa at pupunta agad sa ayala para mag protesta dahil meron naman akong alternatibo na paraan na pamalit sa tissue paper..tignan nyo na lang litrato ko...
Oh! wag muna kayo mag alsa masa at pupunta agad sa ayala para mag protesta dahil meron naman akong alternatibo na paraan na pamalit sa tissue paper..tignan nyo na lang litrato ko...

Oi mga prendship na mahilig mag uwi ng girlets sa bahay para dun pupugin ng halik, meron akong babala sa inyo..Hindi lahat ng kahalikan nyo eh tunay na babae ha..basta malalaman nyo na lang pag nandun na kayo sa aktong halikan..Ingat lang mga parekoy mahirap na...
Bakit nga ba hindi bagay sa mga lalake ang T-Back? naisip nyo ba yan katanungan na yan?Ako naisip ko, una mahirap pag nag LBM tayo lalo na yun aktong mahirap na kontrolin ng wetpu natin ang malabnaw na jebs..(yuckkkk!) hehehehe...



14 comments:
Hehehe :D Sino ba kasi ung kaaway ni Lord? Ung palaka? lolzz jowk :D
Sandali...diba nag e-LBM din ang girls? yuckkk hehehe
Ahahahhaa! Adik ka kuya bloggie..Dahil dyan nag wiwish ako na sana makakita ka ng palakang kumakain ng puso. LOL
haha si pichay, dito sa amin pinuputol mga puno para daw sa road-widening,may mga nakaukit nga sa puno na parang mga bata para pigilan ito,
malala na 'to..lolz!
parang gusto ko i-try ung T-front, tapos pipiktyuran ko ang sarili ko, hahaha!
ako din super against sa pagputol ng mga palaka... este haha, punong kahoy... hanuba, kakalito tong blog post mo... diko alam kung pano mo na-konek yung t-back sa kissing scene, wwaahahah... COOL!!!!
@LordCM eh di si palaka lang naman ang nakokak sayo eh hehehe..
yun ang hirap sa T-bak lalo pag girls ang nagsuot nag nag LBM bigla..yucckkk talaga..hahahaha
@Jepoy..Nakita ko na ang palakang yan..ang name nya ay Palakang Tot! hahahaha...
@King Sablay..Dapat yun ma nagpaputol nya sila ang itanim eh..papakulam ko sila pag ako umuwi ng pinas hehehehe..
@Batang Henyo..Hahaha di ko ma-imagine kung ano hitsura ng birdie mo pag naka t-front ka hahaha..siguro laging nahuhulog yun sa string hahahaha..
@Yanie..hanuba ba din ba hahaha..
basta ang palaka ay connected sa kissing at punong kahoy..eh! nalito din ako sayo hahahaha...
Hahaha..censored na to ah..ganon ba talaga magsave ng paper?Ikaw bro ha may pagka-green kana ngayon..wag ka kasing kain ng kain ng pechay..Atsaka, lagot ka kay dela guardia, pinopost mo ba naman yong kissing scene na yan..haha
Naks gumaganyan ka na ha!
Si Pichay ay masarap lang gawing sinabawang gulay. Kamukha din nya si Eddie Gil na pinapanget (eh panget na nga si Eddie Gil, ano na lang ang hitsura nya)
Tungkol sa tissue paper, di ba pwedeng panyo na lang din ang gamitin. Tutal parehong bibig naman yun.
Tungkol dun sa mala-Justine at lady gaga na issue. Ngayon hindi na usaping virginity, usaping tunay na babae na
At tungkol sa lalaking Tback. Ayos ah prang santol lang!hahaha Sarap tiraduhin!
nalowka naman ako sa mga pix mo haha!...lalo na don sa pagirl na tumayo ang t#@! lolz! :}
@Ruel..hehehe ikaw na ang kumain ng pichay tignan ko lang kundi ka maging green minded hahaha..atsaka ngaun lang naman ako naging censored eh yaan nyo sa susunod puro tula na lang tungkola sa palaka ang post ko dito! hmp!
@Drake..parang santol lang ba hahaha...tawa ako dun ah!
@Vonfire..naka-relate ka ba sa girl na meron espada hahaha..
slight!...haha! :)
as usual kuya!
ur post made my day!
panalo ang tback! hahahaha
at gudlak sa may makakahalikan na di babae hahaha..
ayos lang naman siguro ang pumutol ng kahoy basta ba may ibibigay na magandang dahilan kahit pa ito ay matanda pa sa atin o sa mga lolo at lola, hehe..
Post a Comment