
Bakit nga ba nakaugalian na natin ang makipag-shakehands kapag meron tayo bagong kakilala o di kaya kaibigan dumating slash nakasalubong sa kalye, o ka-opismeyt na nawalang parang bula tapos biglang sumulpot na parang palitaw hetchetera hetchetera?
Alam ko na matagal na kaugalian ito at kahit ibang lahi ganun din ang ginagawa nila sa araw-araw ng buhay nila. Isa daw ito tanda ng respeto o pag galang sa mga nakakasalamuha nila. I totally agree..pero ang hindi alam ng karamihan eh hindi maganda ang makipag shakehands all the time sa madlang pipols...
Ganito po kasi iyon..
Kanina habang ako ay abalang-abalang sa pagko-confuser sa sobrang dami ng paper works (yes paper works with matching facebook visiting and blogging hehehe) biglang meron ako naramdaman kakaiba sa putotoy ko...Pinakiramdaman ko ng mabuti kung ano iyong bumabagabag kay pututoy hanggang sa di ko na matiis ang pangangati sabay sabi sa sarili ko na "lintek na langgam ito ah, pa-itlog itlog pa ang damuho samantala ako pa-tuyo tuyo lang!". Dali-dali akong pumunta sa book shelves namin at doon nagtago, lumingon-lingon sa paligid kung meron nakatingin, at nang maconfirm ko na walang nakatingin dali-dali kong pinasok ang kamay ko sa loob ng pantalon sabay kamot kay putotoy...haaayyyy! Ang sarap ng feeling pag nakakamot si putotoy..di ko ma-explain ang pakiramdam parang heaven! Kamot to the left kamot to the right (with matching sounds pa na para kang nagkakamot ng ulo. try mo pakinggan kamutin ang ulo mo!...Uyyy, try nga nya!) ng biglang bumukas ang door ng opis namin dahil may dumating na customer!
Customer: Tok! Tok! Kabayan? May tao ba dito?
Ako: Opo meron nandito lang po ako sa book shelves may hinahanap lang po! Ano po maipaglilingkod sa inyo kabayan? (nagmamadaling ayusin ang sarili habang naghahanap ng alcohol para you know!..kaso alat ubos na alcohol..patay!)
Customer: Eh nasan ka ba? Magtatanong lang ako sa cargo nyo!
Ako: (Ta dah! nagpakita na ako sa kanya!) Sige po ano yun tanong nyo?
(Pakshet! Inaabot ang kamay sa akin para mag shakehands kami!)
Customer: Kabayan, nabasa ko ang Ads nyo sa dyaryo totoo bang meron kayo promo?
(O shit na malagkit! ang kulit gusto talagang mag-shakehands kami! Anong gagawin ko? Aabutin ko ba o hindi? ..Ipaamoy ko na lang kaya ang kamay ko sa kanya instead na shakehands..Syet!..nakakalito! I have no choice kundi ang....)
Ako: Opo totoo po yan napanuod nyo sa dyaryo este nabasa nyo sa dyaryo at Blah! Blah! Blah!
(makaraan ang ilang minutong balitaktakan, talsikan ng laway at kamayan walang humpay!)
Customer: Sige kabayan, antayin ko yun driver nyo pumunta sa amin para kunin ang bagahe ko ha! Di nga nagkamali yun sinabi na kasambahay ko na maganda at maayos ang serbisyo nyo!
Ako: (Talaga! Owss! Subukan mo kaya amuyin ang kamay mo baka isumpa mo ako! ^_^) Ay opo...totoo po yan! Serbisyong garantisado po yan kabayan! Sige po, Ingat po kayo!
Moral Lesson: Kaya sa mga valued readers ko..mas maganda wag na lang kayo makipag shakehands sa mga taong kakausapin nyo..tama na yun beso-beso or group hugs na lang bilang pagbati di ba?
Ok payn! The end na istori ko por today!
24 comments:
once it hàppens to me, pero i wàs hàving wet hànds ksi linis bàhày ngà work ko sà Frànce, àng ginawa ko, i gàve my arms to shake, and the french understand.
If I meet you, i make sure beso beso na lng, tyak pa ako, hahahaha!
kulet ng story na to, worth ipasa ke lolo!
unedited!lol
Ang baboy naman hanubayun!!!! Baka 'nung pag kamot mo may nag leak na something slimy lolz Tapos si Customer! Kaya ako laging pat on a back nalang ang eksena. Minsan lang shake hands :-D Okaya beso beso nalang lolz
grabe naman parekoy... mapaparanoid na ako niyan! haha... dapat kasi laging may baon na sanitizer :P
akala ko mag-aala Jepoy ka na naco-caught in the act sa kabastusan ha haa!
about dun sa kustumer mo- hayaan mo na di mo naman sinasadya! :D
@Francesca...akala ko nagkamot ka din hehehe buti na lang tinapos kong basahin yun comments mo..Teka marunong bang magbasa ng tagalog ang hubby mo?
@Jepoy..Tse! wlang slimmy pero meron something hairy! lols!
@Mr.Nightcrawler..meron naman alcohol eh kasi yun Janitor namin ginagawang panlinis ang alcohol sa office table namin kaya madaling maubos..
@Vonfire..oo nga si Jepoy..Nabasa mo ba yun kwento nya sa Bus yun napa-poo poo sya hahaha..
oh my gulay... haha... kaya i don't shake hands often eh... last time may nakikipag-shake hand saken.. a total stranger.. yoko nga... ahehe.. so 'unz... pag bumabati akoh eh tataas koh lang kamay koh as u know gesture na pa-Hi!... or kaya yeah pag nakita ang kakilala eh usually *hugz*... so 'unz... ingatz. Godbless! -di
@Dhianz..Yehey atleast alam ko na pag nagkita tayo eh mag hugs tayo! *kelan kaya yun?*
Yung office boy namin ganyan din... nagto-toilet nang hindi man lang naghuhugas ng kamay. hmmpft, kaya naman pala masarap ang kape niya, sana diko na lang nalaman hahah!
Ewwwww!Its so kadiri naman!You make kamot kamot to your patotoy and then you make handshake to your customer, that is so grosssss!!
Hahhaha!!
Pre kuko mo naman ang pinangkamot mo hindi naman palad kaya okay lang yun. Ako nga katatae ko lang nun nakipaghandshake na ako sa boss ko eh!At least di ka nila sasabihang bastos kapag hindi ka nakipagkamay (barubal lang)
ingat
bading yang langgam na yan
hehe
maghugas ng kamay
kumanta ng 3 happy birthday
para tanggal ang
lahat ng virus
@Drake..sana lang nun makipag handshake ka sa boss mo wala residue sa kamay hahahah.....
@Anthony..huh?! kelan pa naging disenfectant ang happy bday na song?
@Yanie..baka na-love potion ka ng kamay nya kapag nagtitimpla ng kape para sayo? lols.
haha..napatawa ako sa post mong ito..ayos sana kung ang naka shakehands mo ay isang napakaganda at seksing babae..minsan pag pumasok kami sa night club at may sumasayaw na at unti-unting naghuhubad ay napapahawak din ako ng sa akin tapos kapag may itinable kami ng mga barkada ay makikipag shakehands kami pagpakilala..
@Arvin ahahaha parang ibang level na yun karanasan mo ah! hihihi...
nyayss... pero naisip mo rin ba kung saan din galing ang kamay ni kabayan? baka sa balls din,kwits lang, pro kung sa puwit naagrabiyado ka,lols
@Haring Sablay...may point ka jan! Pero kung galing naman sa wetpu yun kamay nya na pinag-shakehands sa akin agrabyado ako..mag dedemanda ako kasi its un unper!...lols!
Kunwari pa si Jepoy na kadiri, eh sya nga tumae sa salawal lolzz peace jepoy :D
beso beso? pwede rin ba sa dalawang lalake yan?
salamat sa bookshelves!
hahaha
kuya wak forget na magbuy and magbring ng alcohol hahaha
Hahaha I like this post! Kadiri nga pero di mo rin alam kung saan galing ang kamay ni kabayan.
@LordCm..sinabi mo si Jepoy hehehe..Tama oks ang beso-beso kapag girl pero ang problem pag lalake..beso beso din kaya?
@Yanah..meron naman alcohol eh nauubos lang lagi...
@Chronicler..yun ang tanong ano kaya din ang huling hinawakan ni kabayan? lols!
lintek nga..ayokong makipag-EB sayo..gusto ko pa naman sana..anyway, pag nagEB tayo kailangan walang shakehands..lolz
@Ruel wahahahaha...shakehands pa rin tayo!
may punto ka nga bro. although andoon yung guilt minsan. but mas nakakahiya kung di mo abutin ang kamay mo. baka sabihan ka pang suplado.
@Life Moto..Oo nga eh..mga pinoy pa naman masyadong maramdamin! :D
Post a Comment