Monday, September 14, 2009

The passenger

Buwaka na Beach talaga today! Bakit ngaun pa nasira ang tsikotzki ko kung kelan hot summer hot sa Qatar..Grrrr! Ang badtrip kaya mag commute dito lalo na pagsasakay ka ng Bus. Baket ka nyo? Bukod sa gitgitan ang pagsakay ng bus eh para ka na rin pumasok sa loob ng Gas chamber sa tindi ng amoy ng kili-kili at hininga ng ibat-ibang lahi lalong lalo na ang mga pakistan na ubod naman ng pangheng tunay. Killing me softly ang magiging drama mo pag nasa loob ka ng bus at hold and behold your brief hindi pa dun nagtatapos ang pasakit mo sa loob ng bus dahil sasabayan pa ng mga nepali na magso-soundtrip gamit ang N70 na celfon na naka loud speaker sa tugtugin timi aja bholi (click me here). Bakit ko alam ang taytol ng song? Tinanong ko yun papansin na nepali na salarin sa pagpatugtog ng kanta kasi nagustuhan ko na rin yun song kahit na paulit-ulit lang nya pinapapatugtog yun kanta. Feeling ko iisa lang ang nakasave na song sa celfon nya wehehehe.

Wala pang 35mins ang tinatakbo ng bus meron naman sumuka (pasintabi sa nagchichicha jan!) na indiano! Hanaktalaga ng putakteng gala sa mendiola! Kapag mamalasin ka talaga sagad to the bones naman eh! Bukod sa napaka yummy slimmy na floor ng Bus eh nangamoy sinukang biryani pa! Imagine mo itong equation na ito..

(Kili-kili + hininga) - Timi Aja Bholi) x sinukang biryani to the 10th power = WTF!

Naalala ko tuloy nun nasa pinas pa ako, pag uuwi na ako mula opis sa pasig to house eh nasakay ako ng bus. Iba't-ibang eksena din ang natutunghayan ko sa tuwing nasakay ako ng bus. Kapag bagong sakay ako ng bus atdi ko napansin ang hitsura at damit ng kunduktor biglang may lalapit sa akin na lalaki at sabay tatanungin akong "Ilan?" ..syempre bilang isang ogag na kagaya ko eh sasagot ako ng ISA lang po! Sabay yuyuko naman ang lalaki na nagtanong para kunin ang straw sabay butas sa ZESTO! ..BOLLSYET! Ang hinayupak nagtitinda lang pala ng zesto akala ko kunduktor na nagtatanong kung lang akong sumakay! Pakshet di ba? I love the philippines! But wait! coz a lot more story to tell pa sa bus.

Meron takatak boys na ang drama eh garilyo storck ang iikot sa loob ng bus at pagdating sa Boni sabay manghahablot ng celfon ng nakasakay na pasahero! Ang sipag nya noh? Dalawa work nya..takatak boys at the same time hablot celfon! Hirap kaya ng dalawa ang work..

Idagdag ko na rin itong eksena sa bus yun biglang may tatayo na babae slash lalake na mangagaral ng salita ni Daddy Jesus, minsan nga eh hindi magkaintindihan yun kunduktor at pasahero dahil sa lakas ng boses ng nangangaral kaya ang ginawa ng kunduktor eh sinigawan yun nangangaral...Ang bait ng mamang kunduktor noh?! Nasan na kaya sya ngaun? Baka meron na syang tonsilitis sa pagsigaw nya sa nangangaral! ^_^.

Heto pa, may mag syota sumakay at sa likod ng bus umupo...kaya sila sa likod umupo eh para mag kiss ng mag kiss sila dun..kakainggit naman!
Syempre last but not the least yun eksena ni Jepoy na sumakay sya ng bus na nagpawis sya ng bonggang bongga..(read here). Madami din ganyan pasahero ang nararanasan lalo sa trapik!

Haayy buhay passenger! Para kang nanonuod ng sine..Meron action, drama at komedi!...Masaya na mahirap maging pasahero lalo na kung itong mga tao nabanggit ko ang makakasakay mo..wehehehehe...

Kayo ano ang inyong WTF moments pag nagco-commute kayo? Share naman jan!

12 comments:

ch!e said...

Wat da f moment tlaga ung (Kili-kili + hininga) - Timi Aja Bholi) x sinukang biryani to the 10th power. Buti pa talaga ang mga pinoy eh naliligo, paminsan-minsan.

One time, sumuka ako sa loob ng jeepney. Bonggang-bonga talaga! Eh kasi sobra akong lasing non. Pero di naman ung sobrang-sobra na di ko na alam ung mga ginagawa ko. .haha.

My similar experience dn ako sa bus sa Maynila. Gabing-gabi na nun kaya konti lng pasahero. Pero ung akin, pagtanong nung mama na nagtitinda kung bibili ako, tas pagtingin ko sa kanya at bago pa ako makasagot, eh binutas nya kagad ung kawawang zesto. Tas sabi nya “beynte boss.” Nataasan ko tuloy ng sya boses. Nasapak ko pa sana kung di ako napigilan ng kasama kong kabarkada. Saka kc medyo mas maliit sya sakin. Pero kung mas malaki sya, at wala akong kasama non, eh baka binayaran ko na lang para wala nang gulo .hehe.

At least di pa ako nakaranas na maholdap sa bus.

Anthony said...

nakakatakot din ang maholdap sa bus, mga buwaka ng buwaka ang mga holdaper, walang pinipili na oras at lugar, ayoko lang sa bus yung maalikabok tsaka may umaakyat na nanghihingi ng donasyon...

DRAKE said...

Naks very interactive naman itong entry mo ay may tanong tanong pa sa huli!GUMAGANUN KA PRE!

At may mega plugging ka pa kay Jepoy!naks.

Pwedeng magkwento, na medyo hawig dyansa kwento mo, medyo mahaba iyon eh! basahin mo na lang ito brod!

http://utaknidrake.blogspot.com/2008/11/kwentong-disyerto.html

Ngayon kung ayaw mong basahin yan, eh.......... wala. Wala akong magagawa PAPAMPAM ka! Hahahha

Lord CM said...

Hehehe :D Hirap talaga pag walang sasakyan, almost 6 years na rin akong hindi nasakay ng pampasaherong sasakyan kasi may service kami dito...

Tyaga muna pre, pag nagawa tsikot mo ayos ka na naman :)

RUEL said...

ang hirap ng equation na yan..may 9th power..hehe

anyways,noong nasa Pinas pa ako marami na rin akong bad moments with the bus..may time na ginawa akong inidoro ng lasing na kumag..siguro deadbol na yon this time..hehe

dito sa dubai, nagkakasakit ako palagi sa moy ng mga kili-kili ng mga walang ligong itik plus hiningang napakabantot, nakanganga kaharap ka..huh!

Jepoy said...

I love et! Meron pa talagang promotion ang entry ko. Mwahh! :-D Syempre hindi na ko mag kwento ng wtf moment ko sa bus kasi link ng entry ko nandyan na.

Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo kblogie, isa KANG RACIST!!!!! Dapat love mo ang mga pakistani dilaan mo ang mga leki leki nila hihihihi

Kablogie said...

@Chie..Wow tapang mo din pala hahaha..like you biktima rin ng Zesto boys hehehe

@Anthony..oo nga sinabi mo..wala na kinatatakutan ang mga holder eh!

@Drake..pinagtyagaan kong basahin ang haba ng kwento mo ah! Buti na lang nakabili ako ng chippy at sago bago binasa..Halos pareho din tayo ng akala ng pareho tayo mapadpad sa gitnang silangan..pero ngaun maangas na ako sa mga arabo din ako papagulang sa mga yun noh. hehehe

@LordCM..ano pa nga ba tyagain ko na lang muna ang mga aroma ng kili-kili at hininga nila..masasayan din ako or I should say gayahin ko na rin sila para patas ang labanan hehehe

@Ruel..nagkakasakit ka lagi..meaning hindi mo kaya ang powers nila hehehe..

@Jepoy...pasalamat ka dahil free advertisement yan entry mo hehehe..teka ang ibig bang sabihin ng racist eh mahilig magkarera ng kotse! ^_^

rico de buco said...

ang sayang magbasa ng entry mo hehehe..lalo na ung equation hehehe...natawa tlg ako dun hehehhe

DRAKE said...

Linsyak na yan! Akala ko sinusundan ako ni Bin Laden sa aking blog ikaw lang pala Kablogie.

Bwisit nayan mukha kang MUTAWA dyan (pwede din TIMAWA,hahaha joke lang)

Mukha ka palang arabo bro! Next time naman subukan mong mag-abaya baka bagay din!hahhaha

Adik ka pre!! tama na ang pagtira ng dahon ng kamoteng kahoy!

Kablogie said...

@Rico De Buco (salad) Salamat sa pag tyaga mong basahin ang walang sustansyang blog ko hehehe

@Drake wahaha naisahan kita sa profile pix ko noh!

Yanie's Ka-blags!!! said...

uyy, hangkyut mo sa condura mo, kamukha mo si prince al nahyan hehehe...

Ang experience ko sa bus dito sa dubai... Yung pinipindot ko ang buzzer in every bus stop kasi diko alam kung saan ako dapat bumaba... hahaha, ang sama ng tingin sa akin nung di naliligong driver heheh!


kawawa naman ang mga injano at patan sa inyo, masyado niyo naman silang inaapi! kaya tanda ng aking pakikiramay sa pang-aalipusta niyo sa kanila, di na rin ako maliligo! hahaha! at kakain na rin ako ng biryani...na isusuka ko balang araw... sa bus... na sakay ka... kablogie... :D

Kablogie said...

@yanie baka si prince halayan (mahalay ako eh hehehe!)

Blog Widget by LinkWithin