Sobrang nalungkot ako sa nangyari sa pinas dahil sa bagyong Ondoy! Pangalan palang ng bagyo mukha talagang walang gagawin mabuti sa pinas. Habang nanunuod ako ng ANC news sa TV (syempre alangan naman sa radyo ako nanunuod) pinapakita nila ang ibat-ibang lugar sa metro-manila na apekted ng baha. Meron naglilimas ng bahay, meron naglalakad sa baha, habang ang ibang sasakyan naman tumirik na sa baha. Pasalamat na lang ako kay Daddy Jesus dahil ang bahay namin eh mataas at meron pa kaming 3rd floor at rooftop na kung sakali na tuloy-tuloy pa rin ang pag ulan meron pang tatakbuhan ang aking family. Pero ano itong nakita ko sa tv at laking gulat ko mga bro / sis ng makita ko sa news itong
aking pinagpapantasyahan na si Christine Reyes ay nahingi ng tulong sa kadahilanan lubog na ang kanyang haybol due to extreme floods sa lugar nila..(sana nandun ako sa tabi nya para na rescue ko sya!) Well, para kasi sa akin eh unusual yun ganun balita biruin mo isang sexy, magandang artista eh di rin pala excuse sa kalikasan. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na ang lahat pala ng bagay sa mundo kugn anong meron ka man ay mawawalang saysay kung kalikasan ang sumisingil! Like her, kahit alam natin na marami na sya pera, influences sa news and entertainment industries, fans at kung sino-sino pa eh hindi rin nabigyan ng action ang kanyang panawagan. Naawa tuloy ako sa kanya dahil nagmukha syang basang sisiw sa bubong ng bahay nila. (sana ako na lang si Aquaman para you know I can save her!) Pero ganun pa man di pa rin mawawala ang fantasy ko sa kanya ahahaha.Seryoso ulet tayo. Kahit nandito ako sa Qatar di rin ako mapakali sa kwarto ko na saksakan ng lamig dahil todo ang aircon. Di ako mapakali syempre kasi kahit kasagsagan ng init dito qatar ang isip ko naman eh parang binabaha sa pag aalala sa aking mga mahal sa buhay kung sila ba ay apekted na rin baha kagaya ng napapanuod ko sa TV. Nakailan bili na rin ako ng prepaid card ng celfon ko kaka-long distance just to check them from time to time kung ano na ang development. Ang hirap din pala pag malayo ka sa family mo at meron ganun pangyayari...wala ka ng magagawa kundi ipagdasal na lang sa Dyos ang lahat.
Sigurado ako sa pag alis ng bagyong Ondoy matinding bakas ng pahirap sa mga pilipino ang iiwanan nito. Lubog na ang ekonimiya mas lalo pang lulubog dahil sa paglubog ng kamaynilaan dulot nito. Malaking budget ang ilalaan ng gobyerno para maibalik sa normal ang lahat. :(


16 comments:
against nature sino makakapigil?
even isang beautiful pinay hidi ligtas
yung naia 1 daw binaha na din
yung anak ko si lorraine sa antipolo natatakot
kasama niya pitong aso
me nag iinternet pang tatlo sa loob ng shop kahit panay na bagyo
sus
until electricity was cut off
another history ng bansa
lubog ang metro manila
ala noah's day ,ondoy tried to beat
i listed the flooded areas sa blog ko sakali it helps
grabe rin talaga ang bagyong Ondoy! Sa Marikina na di naman usually binabaha ay binaha!...hope malampasan ng mga kababayan natin ang mga nangyari sa kanila.Ipagdasal po natin sila.
gusto mo rin pala si cristine reyes..ako rin gusto ko siya..siguro nakita mo iyong mga dati niyang scandal pic with joross gamboa..hehe..super sexy na mga pic nilang dalawa..may naghahalikan na sinadya nila talaga na may camera..at iba pa na kuha mula sa camera..kumalat din iyon dito sa internet at sa mga diaryo ang picture na iyon.. well para sa akin climate change na itong nangyayari sa ngayon..walang makapipigil sa ganun kundi ang maghanda na lang..madami namang bagyo na dumapo sa pilipinas pero itong sa ngayon ang masyadong binaha ang metro manila siguro ay dahil sa climate change na talaga..
Let us pray to the Lord na ma comfort those lost their love ones. Let us hope and pray also for the safety of our families and friends. Apart from them that is the best we can offer. It will better if we could share our blessing.
For the list of hotlines number & donation please refer to :
http://spreadsheets.google.com/lv?key=tBMVeBvbdAtYRaRB6ErFWnA&toomany=true
God bless us all!
yeah, kung pwede lang ako na magliligtas kay christine reyes, baka sakali eh magkalapit kame ng loob nyahaha pero mas priority dapat ang mga matatanda at mga sanggol na natrap sa bubungan ng kanilang mga bahay, kawawa talaga...
Dalawa lang ang pinaalala sa atin dito:
Everything happens for a reason. [so let's not blame anyone for what happened.]
What goes around comes around. [all these things happened because of what we, people, did to the nature. which is only lent to us by God, there is nothing here that is really ours.]
Mother nature strikes back!
Medyo grabe nga talaga ang bagyong yan!
Sa amin sa bulacan kung sakaling bahain kami lubog na ang maynila. Eh binaha kami (for the first time) kaya alam kong lubog na ang maynila.Grabe talaga.
Buti napagawa ko na ang bubong namin kaya alam kong medyo okay na sila!
Sana nasa magandang kalagayan ang pamilya mo!
Ingat
muli akong dumalaw :)
at nakikiisa sa panalangin na sanay maging maayos muli at normal ang bansang pilipinas sa kabila ng kalamidad na ito...
masama talagang magalit ang kalikasan...
hope your family is fine. mine is safe in the province. Thank God.
nakikita na natin ang epekto ng climate change...basta nature na ang naniningil apektado talaga ang lahat kahit na sino pang sikat na artista. ipanalangin na lang natin ang mga nasalanta at sana makaahon sila sa trahedyang to. . .may mga relatives kami sa malabon, di ko rin nga alam kung ok lng cla don...
She lost everything, there were announcements on TV, to her fellow female celebs to donate clothes and accessories to Cristine. She wasn't able to save anything.
Bloghopping.
parang sa next post ko na ang pamagat ay SEKSI ay si cristine reyes ang gamitin ko na picture, hehe..iyong pic na naka two piece siya at puwede rin iyong super sexy siya..haha..
grabe talaga ang bagyo na iyon..halos lahat ng kalsada sa metro manila ay lubog sa baha..
@Francesca..Accdg to the news heto na daw yun pinaka worst heavy rainfall na record..you are right it's like noah's day as written in the bible and so scary.
@Vonfire..kanina nag simba me sa catholic church and I prayed for all those victims of Ondoy.
@Arvin ah..idol mo din pala si Christine..Hmp magkaribal pala tayo! lols.
@Lifemoto..thanks for sharing your sentiments with Ondoy victims. Like you, Im also asking my fellow OFW to pray our beloved country to surpass this tragedy.
@Anthony..how dare you! Akin lang sya! ahahaha..Tama ka bro dapat unahin yun mga bata at matatanda na iligtas.
@Meeya (haba ng name mo eh!) I totally agree with you! Naging abusado na tayo sa kalikasan kaya ng siningil tayo ng biglaan hindi handa ang karamihan. Nakakaawa lang dito ang mga bata na walang muwang!
@Timberboy..Yeah..its like tsunami in Indonesia pero sa atin tru tropical depression that causes massive floods..
@Drake..Salamat..safe naman ang family ko (Thanks Daddy Jesus!) Actually taga plaridel bulacan din ang mga lola ko and binaha din daw sila! (T_T)
@Azel..Thanks sa pagbisita mo ulet! Safe naman ang family ko. And Im also praying to God na sana malagpasan na mga pilipino ang trahedya na ito!
@Russ..Thanks for dropping by..Wala ako pedeng ibigay kay Christine Reyes na material na bgay kasi mahirap din kami..siguro katawan ko na lang! (ahahaha)
this is considered the worst calamity after forty years..
kaya higpitan pa po natin ang ating pananalangin sa Kanya..
Siya lang po ang ating makakapitan..
@kablogie: ambilis ni zorro, sya ang nakaligtas kay christine, dagdag pogi points aurgh!
@Ruel sabi nga ito na daw yun pinaka worst na sakuna na nairekord..tsk tsk tsk..so sad..
@Anthony..oo nga eh naunahan tayo..iba na kasi may pera! hahaah
Post a Comment