Wednesday, September 9, 2009

Abroad

Sa pilipinas kapag ang kapitbahay nyo ang trabaho ay sa abroad ang iniisip natin mga pilipino mayaman sila kasi *Dolyare$* ang kinikita nila. Iniisip din natin na maginhawa ang buhay nila at mabibili na nila kung ano man ang gustuhin nila. Ganyan din ang iniisip ko nuong maliit pa ako lalo na ng magtrabaho ang tatay ko sa middle east. Sa katunayan, ang pag aabroad ng tatay ko ang nakapag tapos sa akin ng pag aaral. Sabihin na lang natin na ang iba talagang sinusuwerte sa pag aabroad at ang iba naman eh delubyo ang pagtrabaho sa abroad. Lingid daw sa kaalaman ng mga kamag-anakan sa pilipinas kung ano ba talaga ang buhay ng mga manggagawang pinoy saan man sulok ng mundo na ang bawat sentimo na pinapadala sa pilipinas para sa mga mahal sa buhay ay katumbas ng butil ng pawis at dugo.

Akala ko kwentong barbero lang lahat ng ito para lang maipagmalaki nila ang hirap ng pagtatrabaho sa ibang bansa hanggang sa mapadpad ako sa dito sa bansang Qatar. Totoo pala lahat ng istorya na naririnig ko sa mga taong nakasalamuha ko at hindi kathang isip lang.

Iba't-ibang kwento, iba't-ibang pananaw sa buhay, at layunin kung bakit nga sila nag abroad. Kabayan, masasabi ko na maswerte ako sa napasukan kong trabaho mula sa isang cargo company papuntang pinas dahil bukod sa maganda ang benipisyo, meron pa akong pagkakataon na makasalumuha ang mga kapwa ko pilipino sa Qatar. Isang malaking karangalan ang pagsilbihan ko ang mga kapwa ko pilipino lalo ng kung makikitaan mo sila ng may ngiti sa labi sa tuwing sila ay nagpapadala sa aming kumpanya na ang hirap sabihin ay "Pinagkakatiwala ko sayo ang bagahe na pinaghirapan kong ipunin sa mahabang panahon, nawa'y maipadala mo ng matiwasay sa mga mahal ko sa buhay!" .. Ang sarap di ba? Nakaka-alis homesick ang ngiti ni kabayan!

Madalas sa mga customer namin sa opisina marami kaming nakukuhang karanasan ng ating kababayan. May masayang boses ni kabayan na mistulang nanalo ng lotto, may malambing na tinig ni ate dahil sa biyayang nakuha mula sa mabait na amo, at meron din naman nananaghoy ng katarungan sa sinapit sa malupit na amo..

Mga halimbawa na eksena sa bawat araw na nagdadaan...

Kabayan 1: May isang dating customer namin ang tumawag sa telepono na nagmamakaawa na tulungan namin sya makatakas sa amo nya dahil sa pagmamaltrato ng amo nya. Isang iyak na mistulang batang naglulupasay ang aming natanggap na tawag para saklolohan sya dahil bukod sa ilang buwan na hindi sya pinapasahod halos parang daw sya isang aso kung sya pakainin ng mga tira-tirang pagkain.

Kabayan 2: May isang customer namin ang tumawag sa aming opisina ang nagpa-schedule ng pick up ng bagahe nila para ipadala sa pinas, ang sistema ilalagay nila sa black plastic bag ang kanilang grocery items at itatabi sa basurahan na kunyari ay basura na tinapon nila. Kami na daw ang maglagay sa box at i-tape ng maayos. Bakit ka nyo? …Anong sa tingin nyo?

Kabayan 3: Isang sales lady sa isang kilalang mall ang nag follow up ng bagahe sa amin kung ano na ang status ng bagahe nya. Sabi nya na ingatan namin yun bagahe nya dahil maraming babasagin dun at pinaghirapan daw nya ipunin yun mga bagahe nya kasi heto...read between the lines na lang kayo…”Dugo’t Pawis at Tamod!” ang puhunan nya bago nya maipon ang mga padala na yon!..(Sorry for the term pero yan ang exact words na sinabi nya)..

Kabayan 4: May ibang kababayan tayo dito na arogante na akala mo kung sino sila na porke meron magandang trabaho, malaking sahod at magarang bahay eh ganun na lang magsalita. Halos laitin ka na mula ulo hanggang paa. Eh daig pa nga sila ng housemaid na pinay dahil ang housemaid na pinay nagbibigay ng tip o pagkain sa mga driver namin kahit kakarampot lang sahod tapos sila ni isang singkong duling o tubig na malamig walang maibigay..Humihingi pa ng discount..*NAMAN!* ...kabayan magbago ka naman ng ugali!

Kabayan 5: Isang kabayan ang nagsadya sa aming opisina upang personal kaming pasalamatan dahil natanggap na daw ng mga anak nya ang kanyang bagahe. Masaya at malambing na may bitbit pang tuyo at dilis galing pang pilipinas ang inabot sa amin. Iyon daw ay tanda ng pasasalamat sa magandang sebisyo namin (syempre tanggap agad namin yun tuyo at dilis dahil miss na miss namin ang pagkain noypi!) sa kanya. Katakot-takot na pasasalamat sa bawat isa bago sya lumisan sa amin opisina.

Halo-halong emosyon ang aming nararanasan sa bawat araw na lumilipas. Nakakaantig, nakakainis at nakakataba ng puso kung ito iyong bibigyan ng pansin. Sa totoo lang ang iba sa ating kababayan halos mawalan na bait sa sarili sa tindi ng hirap at lungkot na dinaranas nila. Marami pa sa ako gustong iki-kwento pero sa akin na lang yun iba.

Sana, sa lahat ng pamilya, kamag anakan ng mga kababayan natin sa pilipinas ma-realize nila kung ano ba talaga ang halaga ng pera na pinapadala sa kanila. Huwag sana nilang lustayin sa walang ka-kwentang kwentang bagay ang pera na natatanggap nila kada buwan. At para sa mga kabataan na ang kanilang magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa, wag din sana nila gamitin sa masamang bisyo at luho sa halip ituon nila sa pag aaral lahat pera na natatanggap nila mula sa magulang.

Hindi lahat ng nag aabroad may magandang buhay ang tinatamasa..Minsan sila pa mas nangangailangan ng tulong hindi dapat kainggitan..

24 comments:

Jepoy said...

Naging entry mo na ba to dati? Re post ba ito?

Kablogie said...

Repost need para sa entry hahaha

Jepoy said...

Aba! Congrats sa pag ka panalo mo

A-Z-E-L said...

Thanks for joining PEBA. in a while ur link will be added in the poll.

we'll tell u once done so you may grab the NOMINEE BADGE.

goodluck!

and yes, hindi lahat ng OFW ay may magandang buhay na tinatamasa sa abroad...

Kablogie said...

@Jepoy wiss me lak! ^_^

Mr. Thoughtskoto said...

hehehe, naging seryoso ka dito parekoy. pero i like your entry, not to mention na i like ang pagkahabi ng iyong site.

Goodluck on your entry!

Nominee number 31!

Kablogie said...

@Mr. Thoughstkoto..Kailangan kong sumali para meron katunggali si The Pope sa Qatar..mahirap yun wala syang katunggali hahaha..

Salamat pre sa pag appreciate mo sa blog ko!

A-Z-E-L said...

grab the nominee badge now from PEBA site. put it in your sidebar.

habol sa poll.... it's but 10% of the criteria.

goodluck again!

The Pope said...

Seryoso ka nga at hindi nangiti, hahahaha.

Congrats pare ko, kapuri puri naman ang post mo, tutuo lahat ang iyong nabanggit, hindi tayo yumayaman sa abroad, gumaganda lang ang buhay at nakakakain lang ng Jollibee hehehe.

Pero yumayaman naman tayo sa kaibigan.

Natutuwa ako at dalawang bandila ng Qatar ang iwinakawagway sa PEBA , No. 21 at No. 31, mga lucky number yan dre hehehehe.

Best regards and good luck.

Kablogie said...

The Pope, salamat pre iwagayway natin ang bandera ng Qatar...
(di kaya bandera ng pinas ang dapat iwagayway natin?)

21 at 31 ayos yun number natin..lucky number yan hahaha..

Gudlak sa atin parekoy!

Kablogie said...

@AZEL nailagay ko na po yun badge! Salamat po ulet!

DRAKE said...

pre congrats at kasama rin pla kita sa mga nominado para dito sa Peba. Gudluck sa ating dalawa.

Ingats

Kablogie said...

@Drake..oo nga magkatunggali na tayo sa PEBA..Gudlak na lang sa ating lahat! ;D

timberboy said...

Nice entry!
Nakakarelateako dahil nasa ibang bansa rin ako.
Keep 'em coming!

ch!e said...

kuya ogie...follow ko blog mo ha...tnx. Godbless sa inyong mga naging nominados.

Kablogie said...

@Timberboy salamat at nabagbag ko ang iyong damdamin..lols!

Kablogie said...

@Chie add kita sa blog lists ko..

Nebz said...

Dun sa mga nabanggit mong Kabayan 1 to 5, ako siguro ung ika-4 hindi dahil malaki ang sahod ko (napakaliit po!) kundi dahil lagi akong humihingi ng discount. Pero si Kabayan na kumukuha ng bagahe ko, lagi naming pinagso-softdrink at pinababaunan ng kwento.

Tanong: Hindi ko maget ung paglalagay ni Kabayan 2 sa plastic trash bag ng ipapabagahe nya. Dahil bawal?

Good luck po sa PEBA entry nyo.

Kablogie said...

@Nebz..Tungkol sa tanong mo sa no. 2 na sinabi ko..May mga arabyano na ayaw nilang may pumupuntang ibang lahi sa loob ng kanilang pamamahay kahit na magpaalam ng maayos ang ating mga kababayan na sila ay magpapabagahe sa pinas. Dahil maabilidad ang mga pilipino, nakakagawa ng paraang para maisakatuparan nila ang pagnanais na makapagpadala sa pinas..kaya ang siste eh ilalagay nila ito sa trash plastic bag na kunyari ay basura na itatapos nila.

ch!e said...

thanks nong...newbie kc ako d2 sa blogging... masaya nga akot dami kong nakikita ngaung pinoy blogs. have a great week!

Kablogie said...

@Ch!e salamat! pasyal ka ulet lagi!

Proud To Be Pinoy said...

Tulungan po natin manalo ang kababayan nting si Efren sa CNN "Hero of the Year". Online ang voting at pwede bumoto ng maraming beses. Eto po ang link CNN Heroes

DRAKE said...

Hoy bat di ka nagpaparamdam dyan????

bonistation said...

goodluck bro sa PEBA award!
nice entry, mas naapreciate ko ngayun ung mga nag work sa cargo industry, minsan matapos ang transaction ganun na lang un.. ni ha ni ho wala ng naririnig sa mga kabayan natin na nagpadala, ang sarap isipin na may mga bumabalik pa para magpasalamat! or kaya naman pa meryenda man lang sa mag pick up hehehe.

ingats!

Blog Widget by LinkWithin