Friday, August 28, 2009

Peyborit

Bata pa ako mahilig na ako manuod ng cartoons gaya ng superman, justice league, transformer, voltes v, voltron lion, voltron airsealand, He-man, Mazinger Z now (Badinger Z hehehe), care bears, rainbow brite at madami pang iba. Minsan pa nga sa sobra pagka-adik sa mga napapanuod dino-drawing ko pa sila sa pad paper o notebook kaya ang nanay ko galit na galit dahil madaling maubos ang mga papel sa gayun kakabili lang nya nun one week ago. Nag ala-NBI ang nanay ko at isa-isa nya inusisa ang mga nakasulat at napasigaw sya ng "Ano bang klaseng bata ka?!! Imbes na ABAKADA ang isulat mo dito sa puro drawing ng mga napapanuod mo!!".. dahil dun grounded ako sa panunuod ng tv at kada sabado at linggo lang ako pedeng manuod. Nalungkot ako syempre akala ko yun na ang wakas ng pagiging bata batuta ko dahil ang laging pinapanuod ng nanay ko eh Flor de Luna, Ana Lisa, Mga Batang Yagit (kamusta na kaya si Tomtom at Jocelyn ngaun?),Alagad ni Kalantiyaw, Helen Bela at Connie Reyes on Camera tapos ako hindi pedeng manuod ng peyborit ko..Hmmm! Kung meron lang bantay bata nun time na yun malamang naisumbong ko na nanay ko eh. Pero syempre mautak ako, hindi basta basta patatalo kaya ang di alam ng nanay ko eh bago ako pumasok sa skool sa bahay muna ako ng kalaro dadaan para makipanuod ng tv (Wais eh!) at dun na rin ako kakain ng tanghalian (kapalmuks!), syempre bata pa ako nun eh di pa aware sa word na "nakahihiya" hahaha..

Lumipas ang maraming taon patuloy pa din ang pagsubaybay ko sa mga cartoon characters na halos kasabay ko na sa paglaki. Patuloy pa rin ang pagkain ko sa bahay ng kalaro ko Patuloy pa rin ang kanilang pakikipagdigmaan laban sa mga kasamaan gamit ang modernong armas! (syempre sa tv lang yun!). Dahil sa computer age na tinatawag ngaun panahon na ito, ang dating drawing na cartoon characters ay naging 3D animation o ginamitan ng 3d Effects, digital dolby sounds para mas magandang panuorin kagaya ng Transformer, Superman, Batman, Spiderman, Kikkoman (huh?? superhero ba si kikkoman?) at madami pang iba. Kung nuon nakahiligan ko sila i-drawing sa pad paper at notebook hindi na ngaun dahil affordable ko na bumili ng mga toys or miniature ng mga peyborit kong cartoon characters. Siguro heto na yun masasabi ko na greatest possesion ko in lyf! (Joke!). Mahirap din pala mag collect ng mga ganitong toys dahil once na binili mo na sya hindi mo sya pwedeng alisin sa original package at lalong masagwang tignan kung aalisin ko at lalaruin ko pa sa edad kong ito! =) ang pinaka magandang gawin eh idisplay na lang sa loob ng kwarto, sa salas, kusina or kubeta depende kung saan mo trip i-display. Im sure maraming din kaedadan ko ang nagko-collect at halos naging hobby na nila din ito..(deprived child hahaha)

Dumarami na din ang mga cartoon shows na lumalabas ngaun sa tv o sa sinehan na tunay naman kinagigiliwan ng kabataan ngaun. Si Shrek, Toy Story (meron na 3 ngaun), Monster vs. Alien, The Incredibles at madami pa. Mas hi-tech, mas maganda ang story at mas kapana-panabik subaybayan di ba Mr. Bean?.. At my age di ko ikinahihiya na nanunuod pa rin ako ng cartoon network at disney channel lalo na ang di matapos tapos na banatan ni Tom and Jerry, Mr. Bean animated series, Sponge Bob (I like patrick!) at higit sa lahat Lilo and Stitch!... sa katunayan nga meron akong personal photo collection ng Lilo and Stitch..Oops! wag nyo download yan dahil personal collection ko yan ha! O di ba ang ganda ng naharbat kong picture ng peyborit kong Lilo and Stitch? Balak ko sya ipa-Blow job ipa-Blow up ng malaking malaki tapos bibilhan ko ng maganda pektyur prame at ilalagay sa dingding ng kwarto ko! ^_^

Kayo, ano ba ang kinagigiliwan nyo kolektahin? Meron akong friend ang hilig nya i-kolek eh mga old news paper at softdrink bottles mula nun maliit pa sya hanggang ngaun..(meron kasi silang junkshop eh).. Tapos yun iba naman hilig mag-kolek ng ibat-ibang klaseng komiks..meron nga akong nahiram na funny komiks, enjoy pa rin basahin si "Niknok!" at "Planet Op d Apes!" hahaha..

13 comments:

YanaH said...

panalo ang recent pektyur ni lilo and stitch kuya!
kuhang-kuha hahaha
wala akong masabi!

naalala ko tuloy si astroboy
sa baguio dati, may nadadaanan akonun na may life size na astroboy, gusto kong kunin..
kaso wala na ngaun...
wala lang,,,nasabi ko lang hahaha

hindi mo ba napapanuod ung napakaraming ultraman? hahahaha
nanunuod ako ng carebears... (dati) hahaha

Kablogie said...

@Yanah, natandaan ko pa si Astroboy ang batang hubad na naka brief lang na itim at parang palong ng manok yun buhok =)

Wag mong sabihin meron kang notebook na ang cover ay carebears hahaha..

DRAKE said...

Oo nga hawig ni Lilo and Stitch si Jasmin at PGMA.

Medyo nahuhuli ang edad ah! Ako kasi naabutan ko na yung BEN 10 saka yung Dexter's Laboratory!Kaya di ko alam yan!hahaha

Ako, alam mo na ang nakahiligan kong kolektahin!Dahil nasa latest blog ko yun! Medyo nakakaubos nga lang ng lakas yun pre!hahahha!

Panalo ang laruang idinespley lang! Sa amin ganun, nilalaro na lang namin yun sa imahinasyon!habang titig na titig sa salamin.Heheh

Pre napansin ko, magsinglapot ang utak natin! Laking gatas kasi ako ng kalabaw eh! Ikaw ba?

ingat

Ruel said...

Whatta wholesome collection...Akala ko chicks ang hilig mong icollect bro..haha

Ako, ang hilig kong icollect mga stamps..

Meron akong isang organizer na punung-puno ng stamps - local and international..

Ruel said...
This post has been removed by the author.
Kablogie said...

Oi Drake, mahiya ka naman..Ben 10 daw ang inabot baka nga Star Ranger ang inabot mo noh? lols.

Sa kumbento ako lumaki..palaki ako ni Pader at sa kanya na rin sumuso! ^_^

Kablogie said...

@Ruel..Hilig ko pa rin mangolek ng tsiks! hahaha..

Oi madami din ako stamps galing pa China yun halos puno yun box ng sapatos (ng duwende!) di ko nga lang alam ngaun kung nsan na..

Mr. Thoughtskoto said...

natawa ako, true, natawa ako. hehehe, nawala ang mga stresses and tenses, ano daw? hahaha

Its great to be here.

batang'henyo said...

akala ko ba, mga dvds ang collection mo?? (x-rated??)

kuya, nahahalata ang age mo, hindi ko kabisado ang ibang mga serye na binanggit mo eh.. hehehe...

ako naman, mga newspaper ang collection ko, araw-araw talaga akong update nun sa current events, pero nung lumabas ako ng Pinas, sinunog ng lahat ni ermats, kalat lang daw sa bahay....

Kablogie said...

@Thoughtskoto..tenses hahaha..salamat sa pagbisita.

@BatangHento..bakit meron naman sailormoon na toys ah exotic pa!

Malamang ginawa nang pambalot ng tinapa yun dyaryo mo hahaha

Led said...

ang kulet nung pic ni GMA haha XD

Boy Experto said...

kasama ba sa koleksyon ang pagdownload ng mga movies? yun naman ang akin.hehe.

Dinadownload ko ngayon yung series ng batman tsaka avatar at ben 10. Ayoko kasi manood sa tv tapos 'di derederecho.

Yanie's Ka-blags!!! said...

Kablogie, napaka-bastos naman ng last na picture mo... yung kay lilo and stitch...

Unfair naman na ikumpara mo si GMA kay Stitch ha...




UNFAIR KAY STITCH!!! haiisstt!

Blog Widget by LinkWithin