Wednesday, August 19, 2009

Limang Paks daw!

Bakit ba nadamay ako sa kabalbalan nila Jepoy at Yanie sa 5 facts about iskul eh samantalang simpleng alaskador lang naman ako sa mga posting nila =). Anyway, mahirap ata mag recall ng mga nangyari pero try ko pa rin baka meron pang natitira sa Yutak ko.

Pers.
Grade 1 ako nuong 19** sa mababang paaralan ng Bule Elementary School ay tsato agad ang hairdo ko (reyes cutters hahaha!). Syempre yun ang uso nang panahon na yon at lagi ako sunod sa uso hmp! Since public school ako nag aral eh uso sa skool namin ang naka-tsinelas sa mga estudante pumapasok na namumuti ang mga tuhod dahil hindi naliligo bago pumasok, ako naman naka rubber shoes na mighty kid na amoy sanggol sa tuwing papasok. (walang kokontra!). Kung sa skool ni Jepoy eh pinababaunan sya ng bunot ng mga kaklase eh ako naman eh bote ng sopis drink na walang laman with straw. Bait ng mga klasmeyt ko noh? Syempre ang mga sumunod na pagkakataon eh di ko na hinahayaan makarating sa bahay namin yun deretso agad sa Junk Shop sabay benta at ang ibabayad naman sa akin ng mamang intsek beho na may ari ng junk shop eh Chiz Curls..Naman! (pero masarap sya pramis!).

Walada.
Grade 3 ako nang matoka ako sa pag taas ng Watawat sa Flag Ceremony. Eh antok antok pa ako nun at halos late na ako makarating sa Flag ceremony kaya ang siste, aligaga ako sa pagtali ng watawat at ang ang ending wala sa ayos ang pagkakatali ko(ngeeek!). Nang nasa portion na ng kantang "Sa dalawang Bundok nakatira si Tarzan at Barok! May Kamote-Q, Banana-Q Gulaman at Sago!" ay biglang nalagot ang tali ng watawat. Ay Siya sabi ko sa sarili ko tapos ako kay Mrs. Paranete nito! Di nga ako nagkamali ng kutob dahil ora-mismo nakaupo na ako sa Principal Opis at pinangaralan na tungkol sa Watawat nang pinas..Blah! Blah! Blah! ang haba ng sermon at di pa nakuntento pina-squat pa ako ng isang oras! Kaya pag may nakikita akong watawat ng pinas ay naluluha ako...(napakasakit kuya Eddie at Ate Helen at Ate Charo!)

Lotat
Inenroll ako ni mader sa Private Skool ng high-school at what will you expect from da skul of poors to skool of rich---> *Culture Shock!* hahaha..Dami akong klasmeyt na rich, yun iba magaganda ang Koche at yun iba meron pang School bus eh samantala ako eh Dyipney lang. Hi-skool na din ng matuto ako mag music. Rakrakan dito, rakrakan duon at ang huli eh ako din talo dahil namayat ako, not bcoz of drugs...syempre sa gigs! "High School life so exciting kay saya!"

Kuwatro.

Syit! Ang hirap i-recall at kailangan pang isipin mabuti ang mga nangyari!
Second year hi-skul ako nang tumibok ang puso ko sa aming kapit bahay na itago na lang natin sa pangalan *BURGONIA*. Anak sya nang nanay at tatay na medyo mata-pobre na dati nakatira kami sa apartment nila dahil yun haus namin eh kasalukuyan nigagawa. Eh isang linggo pa lang kami mag-on eh nakipag hiwalay ako sa di ko malamang dahilan. "Maybe Im too young for serious relationship" Kaya dahil dun naimbento ni Imelda Papin ang isang linggong pag-ibig na kanta!

Lima-Sawa.
Nang mag-college ako dito naging makabuluhan ang akin student life..member ng choirs, meron Rock Band, active sa kung ano-anong extra curricular activities at higit sa lahat dito ko nakilala ang aking waswit dahil klasmeyt ko sya mula pers year college until makatapos ang pag aaral. Di na nya ako pinakawalan dahil bibihira lang daw ang taong katulad ko na tigasin.."Tigasa-in, Tiga-laba etc..etc..).

Ayan, kahit hirap na hirap ako i-recall ang best memories ko sa layp eh nagawa ko pa rin! =)

Tag ko dito si The Pope at lahat na nagbabasa ng blog ko!

6 comments:

Jepoy said...

Aba aba meron karing version nito! natuwa ako sa hindi ka pinakawalan ng Sweetipie mo ahahaha! Ang saya!

Yanie's Ka-blags!!! said...

Yipee!!! Kala ko ako lang mauuto sa mga kabulastuhang TAGS na to eh hahaha...

Ka-blogie, ang bait bait mo palang estudyante. Ung mighty kid mo ba noon eh yung umiilaw-ilaw pa? haha!

naka-tsinelas din kami nung elementary.. kapag naka-sapatos ang klasmeyt, isa lang ibig sabihin nun samin... birthday niya! hahaha!

sana tumagal ang iyong pagiging tigasin... hehehe

Chyng said...

hello! usong-uso ang tag na yan. parang getting to know you. chos! ;D

DRAKE said...

Naki tag ka rin pala bro!hehhehe! Mukhang makukulay na makulay ang buhay estudyante. Siguro madalas kang kumain ng sinabawang gulay nun kaya makulay ang iyong buhay!!!

Kablogie said...

@Chyng..oo nga eh parang getting to know each other itong tag na ito! lols.

Kablogie said...

@Drake..nahawa ako sa inyo sa kaka-tag eh! =)

Blog Widget by LinkWithin