Heaven.
Bakit ba itong kanta ni Mang Bryan Adams eh famous na famous sa mga nakakasalamuha kong driver. Napapansin ko sa bawat jeep, taxi, bus, kalesa, trisikol, pedekab, eroplano, barko na nasasakyan na pinapatugtog ni Mr. DJ ang Heaven ni Bryan eh nilalakasan nila ang volume ng radio. Anong hiwaga ang nababalot sa kantang ito? Alam ko maganda ang lyrics nito at marami na rin napaluha ang kanta na ito..pero luma na ito eh? Maraming taon na ang nakakalipas bakit hindi mamatay-matay ito sa puso ng bawat pilipino? Dahil ba sa maraming hopeless romantic ang karamihan sa ating noypi na ngopa? lols! Parang kanta din ni Manong Frank Sinatra na My Wi este My way. Madami na ang nagbuwis ng buhay dahil sa kantang ito na karamihan eh mga lasenggero ang biktima. Dumating din sa punto na sinisisi na si Frank Sinatra sa kantang ito, pero para sa akin hindi si Frank Sinatra ang dapat sisihin dito kundi mga Hapon! Oo, Tama ang nabasa nyo dapat mga Japon ang dapat sisihin dito dahil sila ang nag imbento ng karwake karaoke. (harharhar!). Kundi nila naimbento ang karaoke di sana walang mga lasenggero ang kakanta ng My Wi na nagkakapikunan dahil sa pagtatagisan kung ang mas sintunado sa kanilang lahat.


7 comments:
Gusto ko ang accoustic version ng Heaven. 'Yung kinanta ni David Archuleta sa Audition nya sa American Idol :-D
Kantahan na!
Im also a huge fan of Bryan Adams. Sori Jepoy, David Archuleta's version sucks! :}
The best acoustic version nito comes from his MTV Unplugged album. Im thinking na sa next post sa blog ko ay yung mga artists na nagkaron ng unplugged albums. Anyway, have a nice day! :}
@Jepoy at Vonfire, Sori to tell you guys ang the version nito ay version ko hmp! lols..
haha... natawa naman akoh sa entry moh... teka.. nakarating ditoh galing sa tahanan ni drake... nice to meet you.. lolz.. ingatz.. Godbless! -di
Teka kelan pinapatugtog yung Heaven ni Bryan Adams sa mga taxi, jeep kung saan san. Parang kay tagal tagal na nun ah!
hahahha
Ingat
Drake
nostalgia ata tong si kablogie... hmmm, naaamoy ko na may naaalala ka lang na magandang dilag sa iyong nakaraan kaya mo naisipang gawing malaking issue tong heaven nyahaha, creating an issue ba? i'll keep my mawt shat na! hehe...
pero agree ako sa mga sinabi mo... classic na kasi tong mga kantang to at aminin natin na habang lumuluma, lalong gumaganda ang mga to!
@Dhianz..Hi Dhianz nice to meet you! Can I sing you heaven? lolz!
@Drake..nadinig ko sa car radio ko yan Heaven hahaha..
@Yanie..I hate you ulet hahaha..Sige na nga agree na ako minsan maganda ang lumang kantang balik-balikan. =)
Post a Comment