Isang umagang kay ganda (sana!) habang ako ay nag o-overdrive papuntang opisina na walang kagana-ganang nagmamaneho ng aking carloo-loo. Todo ang sounds ng car stereo habang pinapakinggan ang awitin ni Aling Jewel sa kanyang awiting "Propaganda" na halos ikabasag na ng aking eardrum. Pilit kong pinapasaya ang sarili kahit sinakluban ako ng katamaran pagka gising ko pa lang! Haiissst life! Another year is over na naman. As usual, bagong taon at lumang problema pa rin ang aking bayan magiliw.
Hikab sabay kamot ng betzz!
Tingin sa side mirror kung meron lady driver ng kotse sa gilid para man lang mainspire.
Then pressing the brake pedal kasi po stop light na sya ng biglang....
Krrrinnnngggg!! Krrrinnngggg!!! ( joke! hindi ganyan ringtone ko noh! Mas bagay kasi isulat yan kesa sa kantang Careless Whisper!)
Okei, I gently press the button of my celfon just to answer that call.
Lady Arab: Hello, Goodmorning!
Me: Yes, Hello!
Lady Arab: Good Morning!
Me: Yes, Madam, How can I help you?
Lady Arab: I said Good morning right? How come you are not saying good morning to me also!
Me: (Biglang nawindang ako dun ah!) Ah..Madam, Maybe your morning is good but for me its not and that is why I am not answering it back to you! So, anyway, how can I help you?
Lady Arab: I dont care whether your morning is good or not! I said good morning and you have to return it back to me!
Me: (Takte! Umagang umaga eh bwisiting ba ako at take note, New Year ngaun!) Okei madam, I think I have the right to express whatever my mood today. I respect that your morning is good but you have to respect mine too!
Lady Arab: You have to say goodmorning to me first before anything else!
Me: Okei payn! Magandang umaga po!
Lady Arab: Whattt? What language is that?
Me: Oh that is filipino language, I said good morning in english!
Lady Arab: Well that's good! You have a good voice and you sounds like a radio announcer! Anyway, I just I want to inquire regarding your promotion..Blah Blah Blah!
Me :( Talaga!, Owwss! Bedroom voice pa kaya un! Ok, you got my mood now! ) Madam, thank you very much! Well regarding our promotions its blah blah blah...
To meyk the story beri short, eh sobrang natawa ako dun sa caller kaninang umaga. She makes my day hehehe.. Ilang caller pa kaya ang makakapagpabago ng mood ko sa tuwing ako ay dinadaganan ng katamaran. Atleast nag start ang day at year 2010 ko na ganado and hopefully sabi nga ng matatandang kasabihan na kapag sinumulan mo ang bagong taon ng kasipagan eh isang taon kang magiging masipag.
Happy New Year Sa inyong Lahat!